AJ Raval Charo Cordial Maddox Jewelry 

RATED R
ni Rommel Gonzales

IPINAGTANGGOL ni AJ Raval si Aljur Abrenica sa exclusive interview nito kay Charo Cordial ng Maddox Jewelry. 

Sa gitna ng kanilang pag-uusap tungkol sa pamilya, ipina-test din ni AJ ang ilan sa kanyang mga alahas.

Isang necklace na regalo ng kanyang kapatid ang ipinabenta nito, habang ang diamond earrings na ibinigay naman ng kanyang amang si Jeric Raval ay sinuring mabuti at napatunayang natural diamond, bagay na ikinatuwa ng aktres. 

Ayon kay AJ, marami pa rin siyang iniingatang mga alahas na bigay ng kanyang pamilya dahil higit pa sa halaga ng mga ito ang sentimental value na kanyang pinanghahawakan.

Sa kabuuan ng panayam, mas nakilala ng publiko ang mas pribadong bahagi ng buhay ni AJ—bilang ina, anak, partner, at isang taong patuloy na bumubuo ng mas tahimik at mas simpleng buhay para sa kanyang pamilya.

Marami pang naging makukulay na kuwentuhan at personal na rebelasyon si AJ sa kanyang pagbisita sa Maddox Jewelry.