Will at Mika tinupad wish ng fans
MATABIL
ni John Fontanilla
WISH granted para sa mga tagahanga nina Will Ashley at Mika Salamanca ang pagtatambal sa Delivery Boi.
Ayon kay Will, mas magiging magaan ang pagtatrabaho nila ni Mika dahil komportable na sila sa isa’t isa at nagkasama na sila sa PBB House.
“Sobrang ramdom kasi ni Mica as a person, kumbaga hindi lang siya isa sa napakarami niyang personality.
“Kaya feeling ko mas mapapadali ito kasi komportable na kami sa isa’t isa, nakapagtrabaho na kami.
“At nagkasama na kami sa loob ng bahay (PBB), so magiging mas madali ito.
“Ang tawag po nila rito, tawa serye, light lang talaga itong series na ito.”
Malayong-malayo raw ito sa mga nagawa g proyekto ni Will.
“Malayo sa nagawa ko before na may iyakan, may confrontation.”
Makakasama nina Will at Mika sa Delivery Boi sina Vince Maristela, Maricar De Mesa, Yasser Marta, Mikoy Morales, at Baninay Bautista, sa direksiyon ni Adolf Alix Jr..
