John Arcilla nag-times 10 ang TF dahil sa Heneral Luna

John Arcilla

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

LABING-ISANG taon na simula nang gawin ni John Arcilla ang pelikulang Heneral Luna bilang first installment ng “Bayaniverse” trilogy na idinirehe ni Jerrold Tarog pero nakakabit pa rin ito sa aktor.

Hanggang ngayon kasi’y marami pa rina ng tumatawag kay John bilang Heneral o Heneral Luna. At dahil sa historical movie tumaas ang TF niya hindi lang ng twice kundi ten times higher pa.

Sa naganap na Star Magic Spotlight presscon noong Huwebes, July 23 naikuwento ng isa sa 9th EDDYS Icon Awardee na napakalaki ng nagawa sa kanyang career ng pelikulang Heneral Luna.

“The impact was major. After ‘Heneral Luna,’ my talent fee didn’t triple. 

“It became ten times higher. I never asked anyone to increase my rate. 

“The producers themselves were the ones who offered it,” rebelasyon ni John.

Sinabi pa ni John na sa dami ng karakter na ginampanan niya, mapa-telebisyon o pelikula, tunay na nagmarka sa netizens ang karakter ni Gen Antonio Luna sa Heneral Luna.

Naikuwento rin ni John na bago ang Heneral Luna, noon ay “Coffee na lang, dear” ang tawag sa kanya dahil sa sumikat na TV commercial niya ilang taon na ang nakararaan.

“Until now, everyone calls me ‘Heneral.’  

“The best part is that after the film, my audience became everyone, from children to adults,” wika pa ng premyadong aktor.

“They would say, ‘Sir John, can you curse at me?’” saad pa ng aktor sa kabila nga ng mga ginawa niyang pagmumura ng “punyeta” sa pelikula na naging bukambibig ng mga nakapanood nito.

Nagawan niya rin ito ng kanta nang magbalik-musika si John sa pamamagitan ng debut single nito sa Star Music, ang Ano Ba ‘Yan, P*nyeta, na available na sa iba’t ibang digital music streaming platforms.

Bagama’t hango ang titulo sa pinasikat niyang linya, ito ay isang social commentary na naghihikayat sa bawat isa na suriin ang sariling papel sa lipunan. 

“Hindi lang isa ang may kasalanan o dalawa o tatlo. Tayong lahat, ina-allow nating mangyari o tayong lahat, may kanya-kanya tayong dapat ayusin sa sarili natin, sa puso natin at sa ating isip,” sambit pa ni John.

Bukod sa Ano Ba ‘Yan, P*nyeta, inihahanda na rin niya ang kauna-unahang album na maglalaman ng mga theme song ng ilan sa kanyang mga teleserye gaya ng Dirty Linen, Pamilya Sagrado, at The Alibi. 

Makakasama rin sa compilation ang ilan sa kanyang mga original composition.

May mga nagawa ring pelikula si John tulad ng Beast ni Direk Lawrence Fajardo,  Happy Birthday to Me  ng Mavx Productions na kasama niya si Elijah Canlas at ipalalabas na next month, ang 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Haunted Carnival ng Regal Films at ang katatapos na Kim Chiu-Paulo Avelino starrer na The Alibi.