Innervoices arangkada pa rin sa pagtugtog at pagkanta

Innervoices Hard Café

HARD TALK
ni Pilar Mateo

THEY owned that stage once more! 

Nang maki-back-to-back sila kay Chito Miranda (of Parokya ni Edgar) sa Hard Café Manila.

Ang Innervoices.

Nagpahinga kasi ang grupo. Pero, hindi naman sila nag-disband. Ang nangyari lang,  naging busy ang karamihan sa mga personal na buhay nila at iba pang trabaho.

But as one family, sige pa rin ang pagkikita nila. Reunions. Mga okasyon. Pagmo-motor sa mga out-of-town destinations nila.

Kaya kapag may nagyaya at kaya naman ng sked ng lahat, ginagawa pa rin nila.

Ang bokalistang si Patrick Marcelino ay nagpatuloy pa rin sa pagpapalaganap ng kanyang musika. Kaya nagtatag pa siya ng sariling banda o grupo, ang MARCEL.

“Kung sumikat ang kanta namin, nagpapasalamat kami sa Diyos. Kung hindi man, nagpapasalamat pa rin kami. Masaya kami dahil nagawa namin ang gusto namin. Maraming salamat sa mga sumusuporta gayundin sa mga hindi naniwala. Tuloy lang kami, hangga’t maabot ang pangarap. 

“Simple lang ang buhay. ‘Wag kayo matakot gawin kung ano gusto n’yo, lalo na sa bagay na pinaghihirapan n’yo. Darating ang araw maliit man o malaki ang biyayang ibinigay ng Panginoon, magpasalamat pa rin tayo ❤️🙏🏼.”

Ang Innervoices naman ay tutugtog pa rin at aawit lalo pa at marami na silang mga piyesang naririnig na sa sari-saring music platforms.

Pipilitin pa rin nilang matupad ang pangarap nila na magkaroon ng collaboration with Mr. Pure Energy Gary Valenciano at the Megastar Sharon Cuneta.

Hindi naman malayong mangyari.

Sari-saring artists na rin naman ang naka-back-to-back nila sa iba’t ibang venues.

Para sa nagbuo ng InnerVoices na si Atty. Rey Bergado, manaka-naka mang nawawala sa eksena ang grupo, hindi raw ibig sabihin niyon na tuluyang nawala ito. O nabura.

“Tutugtog pa rin ang Innervoices. Magkakasama. When the occasion calls for it. Hindi lang kami makapagbigay ng saktong dates. After tonight, there’s one for next month. It can be a monthly gig. Basta malalaman niyo na lang.”

Their songs have been topping not just the surveys but the music charts. 

Kaya manghihinayang talaga ang supporters nila here and abroad kung tuluyan nilang iiwan ang entabladong naging kanila.

Mula’t sapul, nakaapat na bokalista na ang tropa. Pero hindi lumamlam ang markang taglay ng Innervoices.

There is that bond that ties them to each other. Kahit mawala, umalis, nag-iba ng direksiyon, Innervoices continues to be solid in a way. Not just on stage. 

Kaya expect more surprises pa from the group.

Ang bandang ‘di lang katropa. Pamilya!