Direk Roman Perez Jr ‘di iiwan pagdidirehe ng VMX
I-FLEX
ni Jun Nardo
PATULOY pa ring gagawa sa Vivamax si direk Roman Perez, Jr. kahit siya ang director ng comeback TV series ng dating loveteam nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.
Walang masyadong detalye na ibinigay si Direk Roman. Basta bago ang Eat Bulaga ito mapapanood sa TV5.
Ang bagong project ni direk Roman sa Vivamax ay ang special feature content na Todo Kayod 2 na introducing ang pinsan ni Ellen Adarna na si Alecca Adarna. Host si Alecca kasama si Sahara Bernales na napiling kandidata sa isang local beauty pageant.
Eh kahit hosts sila, mayroon din silang maiinit na eksena na todo-pasiklab sa screen.
Direk Roman sees the former sexy star Amanda Page kay Alecca na handa ring ibigay ang lahat sa gagawing VMX movie lalo na’t matagal na siyang niligawan ni Boss Vic del Rosario bago mapapayag mag-VMX!
Ang isa pang VMX sizzling anthology ay ang Daddy’s Girl na si Astrid Lee ang host at sa August 11 naman ang streaming.
