WilBea ‘giniba’ New Frontier, paandar ng fans klik
I-FLEX
ni Jun Nardo
NIYANIG ng fans nina Wilbert Ross at Bea Binene ang New Frontier Theater sa unang gabi ng sold-out solo concert na WRten ng singer-writer-actor noong Sabado.
Bago ang concert, pinuntahan ni Wilbert ang paandar ng kanilang fans sa labas ng venue para pasalamatan.
Pero ang lalong nagpagiba ng New Frontier ay ang duet ng Wil-Bea sa kantang Urong-Sulong na todo ang hiyawan lalo na noong maglambingan at harutan sila sa stage, huh!
May second day pa ang concert kahapon at malay ninyo, magkaroon pa ito ng third day!
Ibang klase talaga sumuporta ang Wil-Bea fans, huh! Isinabay din sa concert ang streaming ng bagong Viva One series nila na Love u Lots.
