Robb Guinto Viva Cafe

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BUKOD sa mga matitinding pampagana at pampainit na napapanood kay Robb Guinto sa kanyang mga pelikula, lalo na sa VMX, ang sexy actress ay sasabak na rin sa live performance sa pamamagitan ng pasabog na show titled “Solid Gold: The Robb Guinto Experience”. 

Ang show ay magaganap sa July 29, 2026, sa Viva Cafe, 9:00 PM.

Kasama rito ni Robb ang mga kapwa sexy actress na sina Roxanne de Vera, Aila Cruz, Margaret Sison, at Paula Santos.

Ipinahayag ng aktres ang pasasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanya.

Aniya, “Thankful ako na ganito, nagkaroon ako ng sariling show, siyempre nandoon po iyong pressure… I hope na maraming pumunta at maabot namin iyong expecations nila, na mag-enjoy ang mga tao at ma-satisfy and masulit sila sa ibinayad nila.”

Aminado si Robb na may nararamdaman din siyang kaba sa gagawing show.

Pagtatapat ng sexy actress, “First time ko po na mag-show, kaya medyo kinakabahan… 

pero I know naman na magagawa namin iyong best namin para makapagbigay ng magandang show.

“Actually, kinakabahan ako na nae-excite, pero gagawin ko ang best ko at sisiguraduhin namin na mag-e-enjoy at masa-satisfy ang mga manonood sa mga gagawin naming performance.

“Magpapawis kayo, mag-iinit at magliliyab ang inyong pagkatao, hahahaha! At magigising ang mga dapat magising, lahat na, abangan po!”

Nakatawang sambit niya.

Pahabol pa ni Robb, “Sana magustuhan ng mga tao iyong gagawin naming mga kakaiba, masulit ang pagpunta nila at ma-satisfy sila.  

“Marami kaming mga surprises na gagawin dito, mayroong solo-solo at mayroon din sama-sama. So, dapat kayanin nila kapag sama-sama na kaming mga girls, kasi baka lalo silang mag-init, hahaha!”