Thursday , June 4 2026
Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

Alfred at Yasmine durog ang puso sa anak na na-bully

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HINDI ligtas. Kahit pa sabihing may mataas na katungkulan sa pamahalaan ang aktor din na si Alfred Vargas, dumaraan din ito sa hagupit ng buhay.

Na sa pagkakataong ito, ang kanyang anak ang biktima.

Pambu-bully ng isa ring menor de edad.

Durog ang puso nina Alfred at maybahay nitong si Yasmine nang matuklasan ang pinaggagagawa ng kasama ng anak sa training nito sa paglangoy. 

Kaya nagsampa sila ng kaso sa mga magulang ng bata. Sa tanggapan ng City Prosecutor sa Maynila sa ilalim ng RA 7610, ang Special Protection of Children Against Abuse Act.

Na-trauma ang kanilang anak sa paulit-ulit na pagtulak umano sa pool at paghawak sa ilalim ng tubig ng kasama niyang bata.

Gustong ipaalam ng mag-asawang Alfred at Yasmine na may pananagutan ang mga magulang ng gumawa nito sa kanilang anak, na hindi dapat ipagsawalang bahala.

Very proud sina Alfred at Yasmine sa kanilang anak sa husay na nito sa paglangoy.

Hindi na ito laro lang ng mga bata. Lalo at may nasasaktan na. Hagupit para kina Alfred at Yasmine. At hagupit din naman sa kanilang anak.

Kaya hintayin na lang ng mga inireklamo ang magiging hagupit din sa kanila ng hustisya at konsensya! 

Sa kabilang banda, pumalag ang aktor na si Rob Sy hinggil sa kasong isinampa sa kanila nina Alfred  at Yasmine kaugnay sa umano’y pambu-bully ng kanyang anak.

Sa pamamagitan ng Facebook post, sinabi ni Rob na, “Sobrang sakit bilang Magulang na maakusahan ang aking 8-Year-Old na Anak lalo na’t Hindi Totoo at Malinaw na Binaliktad ang Naratibo. Tama na!!! Sobra Na!!! Labis na ang Paninira.”

Nanindigan din ang aktor na sa kabila ng kanilang estado, gagawin nila ang lahat para ipaglaban ang katotohanan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …