RATED R
ni Rommel Gonzales
CHALLENGING at kakaiba ang papel ni Marian Rivera sa pagbibidahan niyang upcoming Prime Video original series na Behind Closed Doors.
Isang mysterious series ito na gagampanan ni Marian ang karakter ng isang journalist na karelasyon ng Pangulo ng Pilipinas.
Kaya naman sobrang excited si Marian tungkol dito.
“Walang dahilan para mag-no for this project kasi ang off-beat niya para sa akin,” pahayag ng Kapuso Primetime Queen.
Kuwento po ni Marian, first time niyang gaganap
bilang isang kabit at journalist.
“Kaya sabi ko, why not try something new for me?
“Sobrang excited ako. Finally, after two years guys, I’m back,” wika pa ng misis ni Dingdong Dantes.
Si Dominic Zapata ang direktor ng serye na ilang beses na niyang nakatrabaho kaya excited si Marian sa reunion project nila ng nabanggit na direktor.
Huling napanood si Marian sa GMA Prime series na My Guardian Alien at sa Cinemalaya film na Balota.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com