Gerald Anderson Julia Barretto Toni Gonzaga

Gerald binutata mga nagpapakalat na cheater at babaero siya 

I-FLEX
ni Jun Nardo

SINUPALPAL at binutata ni Gerald Anderson ang nagpapakalat na hiwalay na sila ng dyowang si Julia Barretto! Nilinaw ito ni Gerald sa isa niyang interview ni Toni Gonzaga sa kanyang vlog.

Ipinagdiinan ni Gerald sa ibinabatong issue na hindi siya cheater at hindi babaero.

Kumalat ang isyung hiwalay na ang magdyowa dahil sa mga unfollow-unfollow na ‘yan at kung anik –anik pang haka-haka.

So, sa paglilinaw ni Gerald, natameme ang mga Marites na nagkakalat ng maling balita.