Saturday , June 21 2025
My Daily Collagen Binibining Pilipinas

My Daily Collagen pasok sa panlasa ng Binibining Pilipinas (Beauty and health go hand in hand)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

 “IT supports your overall health.” Ito ang pinatunayan ng My Daily Collagen sa pakikipag-collab nila sa Binibining Pilipinas na kapag beauty pageant ang usapan, laging nasa spotlight ang flawless na kutis, grace under pressure at bonggang stage presence. 

At ang hindi alam ng marami, sa likod ng bawat kandidatang lumalaban para sa korona, matinding training na sumusubok sa katawan at isipan at kaagapay dito ang kailangan. At ‘yan ang hatid ng My Daily Collagen na exclusive partner ng 36 kandidata ng Bb. Pilipinas 2025, hindi lang ganda at karisma ang labanan kundi pati health at recovery. 

Napili ng pamunuan  ng prestihiyosong pageant ang My Daily Collagen bilang exclusive wellness partner.

Kaya naman ganoon na lamang ang kagalakan ni Ms. Anna Perez, president ng My Daily Collagen. Aniya, “We’re very happy with this partnership. Second year na namin ito. Hindi naging mahirap mag-yes sa partnership.”

Dagdag pa niya, “Tinanong namin kung bakit kami ang napili, sabi nila, naniniwala sila sa kalidad ng Japan-made products.”

Hindi nga naman basta-basta ang tiwalang ’yan. Ang Binibining Pilipinas, na mahigit 60 years nang institusyon sa mundo pageantry, na kilala sila hindi lang sa pag-produce ng world-class beauty queens kundi sa mataas na standards. Kaya hindi lang ganda ng produkto ang basehan ng partnership kundi shared values din.

Katuwa nga ang kuwento ni Mr. Oliver Salas, chief sales officer ng brand na may mga dating Bb. queens na talagang gumagamit ng My Daily Collagen, at doon nagsimula ang interes ng pageant organizers.

“Bago pa kami i-approach ng Binibining Pilipinas Charities, Inc., sinuri na nila ang produkto. Sobrang honest sila — marami silang tiningnan na collagen brands. Pero naniwala sila dahil sa feedback ng mga dating queens na gumagamit na ng My Daily Collagen,” pagbabahagi ni Mr. Oliver.

Hindi naman lingid sa publiko na ang collagen ay nakatutulong sa kutis — at kitang-kita iyan sa kinang ng mga Binibini sa coronation night. Pero ang tunay na laban, ayon sa brand, ay sa internal health benefits.

“My Daily Collagen doesn’t just help with beauty, it supports your overall health,” giit ni Perez, na isa ring registered nurse at nagpapatakbo ng mga skincare clinic.

May beauty effect nga, pero mas malayo pa ang naaabot ng benefits ng produkto.

Ang drink variant ng My Daily Collagen ay may kombinasyon ng high-quality collagen, royal jelly, elastin, hyaluronic acid, ceramide, at essential vitamins. Mayroon ding Pico Tablet variant na may ultra-small collagen molecules para mas mabilis ma-absorb ng katawan.

Iniinom man ng sabay o hiwalay, tumutulong ang mga produkto para malabanan ang stress at pagod — mapa-stage man o araw-araw na hustle.

“Pinalalakas nito ang immune system, maganda para sa puso, sa wound healing at may natural sun protection din. May mga pag-aaral pa na nagsasabing nakatutulong ito sa brain health, like in preventing Alzheimer’s,” dagdag ni Perez. “Pero dapat consistent ang paggamit para maramdaman talaga ang effect.”

At consistency ang No. 1 sa life ng mga pageant candidates.

“Mahigpit ang training. Iba ang pressure. Hindi biro sumali sa pageant,” ani Perez.

Kaya malaki ang tulong ng produkto para maka-recover ang mga kandidata sa physical at mental stress. Happy sila kasi voluntary ang mga testimonial na natanggap nila.

“Hindi lang sila nagsabing gumanda sila. Sinabi rin nilang mas magaan ang pakiramdam nila. Mas energized sila,” kuwento ni Perez.

Galing sa sports world ang brand — sinusuportahan nito ang Premier Volleyball League at ito rin ay organizer ng multi-sport events, kabilang na ang five-year-old na My Daily Collagen Triathlon. Pero ngayon, pinasok na rin nila ang mundo ng pageantry para i-promote ang holistic beauty.

“Gusto naming i-highlight ang balance,” ani Perez. “Beauty and health go hand in hand.”

At base sa resulta, mukhang mission accomplished. “’Pagdating ng coronation night, ibang-iba ang glow ng girls,” ani Perez.

Kaya naman tunay na nakaka-proud ang partnership na ito. “I think kami ang first brand na ini-renew ng Bb. Pilipinas. And exclusive pa rin kami — Bb. Pilipinas lang ang sinusuportahan namin.”

At hindi lang sa finals nagtatapos ang suporta.

“Our support doesn’t stop on coronation night,” giit ni Salas. “Kasama pa rin kami ng queens habang nirerepresent nila ang Pilipinas sa international stage.” 

Ang bongga ‘di po ba?! Kaya sa mga gustong mapanatili ang kanilang ganda, lakas, at talino, uminom ng My Daily Collagen na matatagpuan sa mga leading drugstore at supermarkets — Watsons, Mercury, Landers, Shopwise, The Market Place, Rose Pharmacy, HB1, at Mitsukoshi Mall. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Empowering OFWs, Fueling Innovation DOST Region 1 inks first iFWD PH project in La Union

Empowering OFWs, Fueling Innovation DOST Region 1 inks first iFWD PH project in La Union

𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗢𝗙 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗢, 𝗟𝗮 𝗨𝗻𝗶𝗼𝗻 – In a significant milestone for migrant worker reintegration …

Claudine Barretto

Claudine may pinagdaraanan, ninenega sa socmed

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI naman ang naawa kay Claudine Barretto dahil sa kasalukuyang pinagdaraanan na tila …

Marian Rivera Pokwang Jay Joseph Roncesvalles

Marian, Joseph, at Pokwang hurado sa isang dance competition

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UUPONG hurado sa Stars on the Floor ang dancing queen na si Marian Rivera kasama …

Alden Richards Stars on the Floor

Alden itinuturing na pinaka-da best ang Stars on the Floor 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PROUD na proud si Alden Richards bilang host ng Stars on the Floor na magsisimulang …

SB19

SB19 hakot award sa 2025 Music Rank Asian Choice Awards Japan  

MATABILni John Fontanilla BIG winner sa Music Rank Asian Choice Awards Japan 2025 ang tinaguriang King of …