Sharon Cuneta

Sharon bumagay maiksing buhok sa balingkinitang katawan

I-FLEX
ni Jun Nardo

SUPER-IKSI ng bagong haircut ngayon ni Sharon Cuneta.

Bumagay naman ito sa balingkinitang katawan ng megastar kaya marami ang humanga sa kanya.

Ngayon lang muli nakita ng publiko si Sharon na maiksi ang buhok. Pero ginawa na niya itong paiksiin sa ilan niyang peikula noon.

At least naging maaliwalas ang mukha ngayon ni Shawie lalo’t tagumpay ang asawa niyang si Kiko Pangilinan na muling nahalal bilang senador.