PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
POSIBLENG kainggitan ang maganda at magaling umawit/mag-perform na anak nina Jessa Zaragozaat Dingdong Avanzado na si Jayda dahil sa mediacon in full force ang mga big boss ng Viva Entertainment at UMG (Universal Music Group)
Dumalo sa launching ni Jayda ang mga big bosses ng Viva sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario, at mga anak na sina Val, Vincent Jr. pamangkin na si Verb, at ang friendship nating si Veronique.
Ang UMG naman na may global affiliates sa 60 countries ay ini-represent ng head nitong si Enzo Valdez.
“Simply grateful, thankful, very ecstatic, dream come true, ano pa ba ang pwede kong idagdag?,” sey ng 22-year old na si Jayda.
Hindi masasabing bagito dahil may mga experience na siya sa acting and singing and performing on stage and having an album, “this is like my second wind or second coming sa showbiz. Sobra-sobra lang po talaga akong nagpapasalamat na binigyan ako ng chance ng Viva at UMG,” hirit pa ng mas sumeksi, mas mature magpahayag, at mas may palabang boses na si Jayda.
For the very first time sa halos limang dekada na sa industry ng Viva, ngayon lang sila nakipag-collab sa isang music label na mayroong global presence.
“Dahil iyan sa iyo Jayda. We believe in you and ako mismo, personal akong naniniwala na kaya ka naming ihilera sa mga gaya nina Regine Velasquez, Sarah Geronimo at iba pang mga multi-media artist namin sa Viva,” pagbabahagi pa ni boss Vic.
Well, a few years ago nang maka-kumustahan namin ang magandang dilag nina Jessa at Dingdong, sobrang shy at matipid pa itong makipaghuntahan. This time, ibang-iba na siya bukod pa sa physically ay mas gumanda, sumeksi, magaling mag-perform on stage at nag-improve ang boses sa galing. Baka nga ito na ‘yung hinihintay niyang time to shine on her own at makawala sa anino ng parents niyang super active pa rin sa showbiz.
And yes, mas naging madaldal na siya ngayon at matsika sa maraming bagay.
Congrats Jayda and goodluck sa mga gagawin mo under Viva from your main goal na mag-reinvent sa music, to having your dream na makagawa ng mga romcom projects to endorsements and the like.