PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NILINAW ng magkapatid na Val (TV, etc) at Veronique (Viva Artist Management) ang estado ngayon ng baby naming si Atasha Muhlach na super nami-miss na ng kanyang mga Dabarkads sa Eat Bulaga.
“She will be back in ‘EB’ soon. Nagkaroon lang talaga kami ng agreement na mag-focus muna si Tash sa upcoming series niyang ‘Bad Genius.’ Malapit na ‘yung matapos (taping na good for one season).
“Siyempre siya ‘yung pinakabida roon at first project niya ito kaya we need to give her all the support at siguruhing mailo-launch siya as a good actress soon. Miss na rin niya siyempre ang ‘EB’ hosting at mga Dabarkads niya roon,” paliwanag ng magkapatid na nag-handle sa career ng maganda at very talented ding anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.
Iba pa siyempre ang bonggang-bonggang takbo ng karir ng kakambal nitong si Andres, na patuloy na pinagkakaguluhan sa Mutya ng Section E na nasa TV5 na ngayon araw-araw (6:45 p.m.).