Thursday , June 4 2026
Jean Garcia Ruru Madrid

Jean sobrang gigil pa rin kay Ruru

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

UY, pinag-uusapan pa rin si Jean Garcia, na sobrang gigil na gigil pa rin kay Ruru Madrid, kaya’t ang mga viewer ng Lolong, ay balitang nangangamba.

Sa tinatakbo ng kwento, hindi man tinatantanan ng dagok sa buhay ay staying strong pa rin si Lolong (Ruru) para maisalba ang kanyang sarili at mga mahal sa buhay. 

Ngunit sa pina-intense na mga kaganapan sa Kapuso primetime series, nananaig ang takot sa viewers na gabi-gabi tumututok sa Lolong: Pangil ng Maynila.

Ngayong magbabalik na si Donya Banson (Jean) para pahirapan ang bida, lalo na namang lalapit ang panganib sa pamilya ni Lolong. 


Lagot buhay si Dona” sey ng isang netizen.

Pero dahil palaban ang lahat, tiyak may matinding puksaan na namang magaganap kina Lolong at mga kaaway. 

Diin nga ni Karina (Rochelle Pangilinan) sa isang eksena, lahat ay gagawin ng mga kaaway para mapatay si Lolong.


Ang exciting pero naku ingat ka Lolong!” komento ng isa pa.


‘Wag pahuhuli sa mga kaabang-abang na eksena sa serye, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …