Thursday , June 4 2026
Freddie Aguilar

Freddie Aguilar pumanaw sa edad 72

SUMAKABILANG buhay na OPM legend na si Freddie Aguilar sa edad 72. Kahapon pumanaw si Ka Freddie dakong 1:30 a.m., habang naka-confine sa Philippine Heart Center. 

Naulila ni Ka Freddie ang asawang si Jovie at mga anak.

Kinompirma ng abogadong si George Briones, general counsel of Partido Federal ng Pilipinas ang pagpanaw ni Ka Freddie na dating national executive vice president ng PFP.

Nag-post din ang kaibigan at veteran actress na si Vivian Velez sa Facebook ukol sa pagpanaw ng OPM icon. 

Ani Vivian, “OPM icon Freddie Aguilar has passed away today (May 27) at the PH Heart Center Hospital.

“He was 72 years old. Our heartfelt condolences to his family and loved ones. His music will forever live on in our hearts. #FreddieAguilar.”

Itinuturing na haligi ng Philippine music industry si Freddie na isang singer-songwriter at nakapagbigay ng karangalan sa Pilipinas.

Nagsimula si Ka Freddie sa pagiging isang street musician at folk club performer sa Maynila at Olongapo hanggang sa makakuha ng regular gig sa Mama Consuelo’s Music Lounge sa Quiapo, Maynila.

Lalong naging matunog ang pangalan ni Ka Freddie sa kanyang awiting Anak na naging isang international hit at isinalin sa 29 wika. 

Ang Anak ang best-selling Philippine music record of all time ni Ka Freddie.

Bukod sa Anak, pinasikat din niya ang mga awiting Bayan Ko, Mindanao, Pulubi at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …