Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth Atty Keith Monteverde My Future You

Apo ni Mother Lily tiniyak FranSeth movie magugustuhan ng Gen Z

I-FLEX
ni Jun Nardo

MAGANDANG tingnan bilang pares sina Francine Diaz at Seth Fedelin na  bida sa MMFF movie na My Future You.

Bagay na bagay sa dalawa ang pelikula na idinirehe ni Crisanto Aquino tungkol sa dalawang nilalang na nasa magkaibang taon.

Present sa mediacon ang anak ni Madame Roselle Monteverde na si Atty. Keith Monteverde na tumatayong Vice President ng Regal. Nang tanungin namin how he is enjoying his stay sa Regal as executive, “I am enjoying it!” at nang aming tanungin tungkol sa FranSeth movie, kahit ilang beses na niya itong napanood ay hindi pa rin siya nagsasawang panoorin.

I guess the young people will like it very much!” pagmamalaki ni Keith na at home na at home na sa  mundo ng showbiz.