MA at PA
ni Rommel Placente
NANANAWAGAN si Ken Chan sa publiko para bigyan ng babala tungkol sa isang taong gumagamit umano sa kanyang pangalan, larawan, at nanghihingi ng pera.
Panawaga niya: “Hello everyone, if you ever received a message from this telegram account, please ignore and report it because he is using my name to ask for money from my family and friends.”
Ibinahagi rin ng aktor ang screenshot ng mensaheng natanggap niya mula sa isang taong ginamit ang pangalan ni Boss Vic del Rosario, producer ng Viva Films at COO ng Viva Entertainment.
Hiningi ni Ken ang tulong ng mga tao na isumbong sa kinauukulan ang gumagamit sa pangalan ni Boss Vic sa pamamagitan ng kanyang Facebook appeal.
Aniya, “Even Boss Vic Del Rosario of Viva Films dinamay din! Please help me to report this.”
Tungkol pa rin kay Ken. Ano kaya ang dahilan at bigla itong lumipad patungong ibang bansa?
Pinatay na tuloy ang character niya sa seryeng Abot Kamay Na Pangrap. Sayang, maganda pa naman ang role niya rito. At dahil nga nasa ibang bansa ngayon ang aktor, kaya hindi na rin siya napapanood sa Sunday All Stars.