MA at PA
ni Rommel Placente
SA kanyang Instagram account, ibinandera ni Ariel Rivera ang screenshot ng isang Facebookaccount na kapareho ng kanyang pangalan at pictures, at nanghihingi ng pera sa kanyang mga kaibigan sa FB.
Ayon sa kanya, hindi kanya ang FB account, kundi sa isang scammer.
Ang paglilinaw niya, “Hindi po ako ito. I DO NOT have a Facebook account!”
Kuwento ng aktor, ginagamit ng modus ang pekeng FB page para makahingi ng pera sa ibang tao.
Mensahe pa niya, “Please let them know that they have been exposed.”
Ayon pa kay Ariel, masuwerte na nag-message muna sa kanya ang isang kaibigan mula ibang bansa na hiningan ng pera ng suspek, kaya nalaman niya ang ganitong klase ng panloloko.
“Fortunately for me, they directly messaged a friend of mine from Oslo, Norway, in an effort to get money from them, but my friend immediately informed my wife,” chika niya.
“It’s unfortunate that people, especially mga kakabayan natin will resort to this just to STEAL from fellow kababayans who make an honest living.”
Mensahe pa niya, “Please let them know that they have been exposed.”