Wednesday , July 30 2025
Kara David Pinas Sarap

Pinas Sarap number 1 show sa GTV 

RATED R
ni Rommel Gonzales

ANG travel at food documentary program ng GMA Public Affairs na Pinas Sarap ang number 1 program sa GTV.

Ayon sa datos ng Nielsen TV Audience Measurement mula Enero 1 hanggang Mayo 18, 2024, pinangunahan ng Pinas Sarap ang lahat ng programa ng GTV sa Total Philippines (Urban and Rural). Nakapagtala ito ng people rating na 2.9 percent.

Sa Urban Philippines naman, nakakuha ang Pinas Sarap ng people rating na 3.4 percent para sa parehong panahon, mas mataas sa katapat nitong programa tuwing Sabado sa TV5 na Everybody Sing!, (Enero 6 hanggang Pebrero 10) na nagtala ng people rating na 3.3 percent at The Voice Teens (Pebrero 17 hanggang Mayo 18) na may 2.9 percent. 

Nagpasalamat ang host nito at award-winning broadcast journalist na si Kara David sa tagumpay ng programa.

“Maraming salamat sa lahat ng masisipag na staff at crew ng programa. Higit sa lahat, salamat mga Kapuso sa walang sawang pagsubaybay sa ‘Pinas Sarap’ sa nakalipas na pitong taon. Makaaasa kayong mas bubusugin pa namin kayo ng magagandang kuwento ng pagkain at kulturang Pinoy!” ani Kara.

Nasa ika-pitong taon na ang nasabing TV show na nagdadala sa viewers sa kakaibang culinary journey sa buong Pilipinas. Mula sa pagtatampok ng mga heritage recipe hanggang sa culinary trends na sikat sa online, nagsisilbi itong platform na nagbibigay-daan sa iba’t ibang bayan, lungsod, at probinsiya na ipagmalaki ang kani-kanilang delicacies sa local at international audience.

Panoorin ang Pinas Sarap tuwing Sabado, 8:15 p.m. sa GTV. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Still Lani Misalucha

Lani feel magkontrabida sa telebisyon

RATED Rni Rommel Gonzales HALOS lahat ng mga diva tulad nina Regine Velasquez, Kuh Ledesma, ZsaZsa …

Maris Racal Antoinette Jadaone Sunshine

Pelikula ni Maris na Sunshine, matapang; Direk Antoinette wala pa ring kupas

ni GLORIA GALUNO SUNSHINE, hindi ito pangkaraniwang pelikula na iniaasa ng bida (Maris Racal) ang …

Blind Item, male star, 2 male, gay

Closeness ng dalawang singer kapansin-pansin

REALITY BITESni Dominic Rea AYAW matigil-tigil ang tsismis patungkol sa dalawang male singer huh. Ayon sa bungangerang …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia napaka-natural umarte

REALITY BITESni Dominic Rea BAGUHAN man sa mundo ng musika na last year ay inilunsad …

Jed Madela

Jed walang kakupas-kupas

REALITY BITESni Dominic Rea EFFORTLESS! Ganyan kung purihin ngayon si Jed Madela ng kanyang mga tagahanga pagkatapos …