Monday , June 17 2024
Ferry boat

Babala ng MMDA
ILOG-PASIG HINDI MADARAANAN NG FERRY BOATS

NAG-ABISO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasahero ng Pasig River Ferry Service na hindi passable para sa ferry boat ang ilog Pasig mula sa mga estasyon sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) hanggang Escolta.

Sinisi ng MMDA sa mga naglutangang basura ang pagkabalam ng operasyon dahil sa malaking posibilidad na makaapekto sa makina ng ferry boats.

Nanawagan ang MMDA sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura, at huwag gawing tapunan ang ilog Pasig at iba pang daluyan ng tubig na maaaring maging sanhi ng pagbaha sa Metro Manila sa panahon ng tag ulan.

Kasabay nito, tuloy-tuloy ang paglilinis sa ilog Pasig sa pamamagitan ng mga trash skimmer na mabilis na nakokolekta ang mga basurang nasa tubig upang maging tuloy-tuloy ang operasyon ng Pasig River Ferry Service. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Elma Muros-Posadas TOPS PATAFA

Elma Muros-Posadas pinuna ang ‘bata-bata’ system sa PATAFA

HINILING ni athletics icon Elma Muros-Posadas sa pamunuan ng Philippine Amateur Track and Field Association …

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

THE Participatory Planning and Road Map Development Workshop towards a Smart and Sustainable City of Laoag kicked off …

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

PINABASBASAN ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang nakuhang mga bagong sasakyang pangkalikasan at pangkalusugan …

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

ISANG mega job fair ang inihandog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay kahapon …

TMFF The Manila Film Festival 2024

Tabing ng TMFF ‘24 ibinaba na pelikulang “Three for 100” kinilalang Best Film

PORMAL nang ibinaba ang tabing ng “The Manila Film Festival 2024” noong Martes ng gabi …