Sunday , June 16 2024
shabu drug arrest

3 kelot arestado sa ilegal na droga

NAARESTO ang tatlong suspek sa isinagawang drug buybust operation ng Muntinlupa City Police Station Drug Enforcement Unit sa kahabaan ng Baywalk, Barangay Bayanan sa lungsod na ito.

Isinagawa ang operasyon dakong 3:10 am kahapon nang ‘kumagat sa pain’ ang tatlong suspek sa pulis na nagpanggap na buyer ng ipinagbabawal na droga.

Matapos maiabot ang buybust money at makuha ang droga agad inaresto ng mga awtoridad ang tatlong suspek na kinilalang sina alyas Joey, 35 anyos, alyas Koko, 31, at alyas Baldo, 32.

Nakompiska sa mga suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu, may timbang na 16 gramo at may street value na P108,000.

Narekober ang ginamit na buybust money ng mga pulis na isang P500 bill.

Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng RA 9165 o paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

THE Participatory Planning and Road Map Development Workshop towards a Smart and Sustainable City of Laoag kicked off …

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

PINABASBASAN ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang nakuhang mga bagong sasakyang pangkalikasan at pangkalusugan …

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

ISANG mega job fair ang inihandog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay kahapon …

Chavit Singson

Chavit Singson mamimigay ng P7-M sa kanyang kaarawan

MAMAMAHAGI si dating governor Luis “Chavit” Singson ng saya at kabutihang-loob sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong taon. …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …