Saturday , April 20 2024
Zanjoe Marudo Ria Atayde 2

Zanjoe, Ria engaged na: Forever sounds good…and tastes even better!

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ENGAGED na ang celebrity couple na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

Kahapon, kapwa ginulantang nina Zanjoe at Ria ang mga netizens nang i-post nila sa kanilang Instagram account ang ukol sa engagement.

Forever sounds good,”  caption ni Ria sa pictures nila ni Zanjoe.

At sinagot naman ito ng aktor ng, “And tastes even better.”

Ibinahagi naman ni Zanjoe sa kanyang Instagram stories ang sweet photo nila ng kanyang fiancée habang suot ng aktres ang kanilang engagement ring. May caption iyong, “Hi fiance.”

Maraming mga kaibigan ang bumati at nagpadala ng mensahe sa dalawa. Ini-repost naman ni Cong Arjo Atayde ang naturang post ng dalawa ukol sa balitang engagement.

Ilan sa mga naunang nagpadala ng mensahe at bumati sa dalawa ang mga kaibigang sina Janine Gutierrez, Angelica Panganiban, Gary Valenciano, Iya Villania.

Yaaaay love you guys!” pagbati naman ni Maine Mendoza.

Inihayag ni Zanjoe ang ukol sa kanilang relashon ni Ria noong January, 2023 ito ay matapos ang ilang buwan nilang pagde-date.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Mutya at Beaver may chemistry sa big screen

ni Allan Sancon HALOS mapuno ang SM The Block Cinema 3 sa dami ng mga …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Jillian Ward

Serye ni Jillian nakikiangkas sa ratings ng Showtime?

RATED Rni Rommel Gonzales ISA pang fake news ay ‘yung mga kumakalat na kesyo “nakikiangkas” …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

BarDa, Ruca, JulieVer pinababalik sa Canada para muling mag-concert

RATED Rni Rommel Gonzales FAKE news ang mga kumakalat na balitang flop ang Sparkle show tour sa …