Tuesday , October 8 2024
BLVCK Summer Festival 2024 Rekta sa Kalye 

BLVCK Summer Festival 2024: Rekta sa Kalye tuloy na tuloy na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAPAKABUTI ng puso ng mag-asawang Engr Louie and Engr Grace Cristobal ng BLVCK Entertainment dahil sila ang dahilan kung bakit matutuloy na ang naudlot na Summer Festival na tatawagin na ngayong BLVCK Summer Festival 2024: Rekta sa Kalye.

Kaya naman tuloy na tuloy na ang pagsasagawa ng pinakahihintay na BLVCK Summer Festival 2024: Rekta sa Kalye na isasagawa sa April 13, 2024, 9:00 a.m. sa SM Mall of Asia Concert Grounds.

Kamakailan, masayang ibinalita ng Breakout entertainment company, BLVCK Entertainment, in cooperation with Rekta Sa Kalye ang pagsasagawa ng Rekta sa Kalye concert na marami ang nag-aabang at naghihintay.

Anang mga producer, ang concert ay bahagi ng pagdiriwang ng lokal na musika at kulturang Filipino na magsasama-sama ang mahigit 30 artists mula sa mundo ng OPM, Hiphop, at P-Pop.

Ilan sa mga magpe-perform sa BLVCK Summer Festival 2024 sina Rico Blanco, Sandwich, Franco, December Avenue, Al James, Flow G, Omar Baliw, Allison Shore, Nobita, Kiyo, Gins and Melodies, Crazy as Pinoy, Smugglaz, Carm, 6ENSE, Blvck Flowers, Blvck Purple at marami pang iba.

Ayon sa mga bossing ng BLVCK Entertainment, nais nilang makatulong sa pagpapalawig at lalo pang pagtatagumpay ng Philippine music industry.

We are also giving opportunities to new artists who want to go mainstream in the music industry.

“We aim to present as many talents as we can who get their chance to showcase their abilities out in the streets. There are many who will be featured in the festival,” ani Ms Grace sa mediacon ng music fest.

Noong November, 2023 pa dapat ang concert subalit  nagkaroon ng problema sa unang producer, anang chief operating officer (CEO) and director ng festival na si Mong Feliciano at mula sa concept ng kompanyang Drop Out.

Our vision remains, to give opportunities to new talents and give a platform to new talents. That was what we’ve been doing for the last six years. Today, we were blessed to work with Black Entertainment.

“Our show faced problems last year, that was why it didn’t push through. But Black Entertainment became our resolution because it’s aligned with their vision. That was how it started.

“We are looking at the same route. Right now, it came to a point where the event will really happen on April 13 at the SM Mall of Asia (MOA) concert grounds. This will be a celebration of local Filipino music and culture,” ani Mong.

It’s not always about the money. We can get the money somewhere else. This has long been our dream. And right now, with everybody helping us, thank you so much for being with us today. That is such a big help to us,” dagdag pa.

Mabibili ang tickets online, at bisitahin ang RektaSaKalye.com o sa official Shopee and Lazada pages ng Rekta Sa Kalye. Mabibili rin ng ticket sa SM Tickets.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ataska Mercado

Ataska proud sa sarili—I’ve been working really hard since I was five

RATED Rni Rommel Gonzales ITINUTURING ngayong Vivamax Princess, nagsimula bilang child actress si Ataska. Kung makakausap …

Alexa Ilacad Ryrie Sophia Kim Ji-soo Mujigae Randolph Longjas

Alexa inalalayan ni direk Randolph kung paano magpaka-nanay

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG beses na gumanap si Alexa Ilacad sa papel na malapit sa pagiging …

Julia Montes

Julia’s cryptic post pahulaan sa netizens

MA at PAni Rommel Placente MAY pa-blind-item si Julia Montes sa latest Instagram story niya tungkol sa isang tao na dati …

Aljur Abrenica AJ Raval

Aljur may pa-sweet message kay AJ, netizens negatibo ang reaction

MA at PAni Rommel Placente MAY sweet message si Aljur Abrenica para sa kanyang mahal na AJ Raval na …

Prince Carlos Aga Muhlach

Newbie actor nahihiyang i-claim na hawig ni Aga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAPAKA-DISENTENG kausap ni Prince Carlos, isa sa mga Sparkle artist na very soon ay …