Tuesday , February 27 2024
Sam Versoza Dear SV GMA

Sam tumatatak mga istorya ng natutulungan ng Dear SV

MA at PA
ni Rommel Placente

SA media conference ng public service program na Dear SV Season 2, hosted by Sam Verzosa, tinanong siya kung anong istorya sa mga natulungan niya sa kanyang show ang talagang tumatak sa puso niya at kung anong natutunan niya mula rito. Sagot niya, “Halos lahat ng story eh, talagang tumatak sa puso ko, maraming realizations. 

“It’s a very humbling experience kasi nakakasama ko sila sa araw-araw nilang buhay, nakikita ko ‘yung pamumuhay nila, ‘yung mga problema nila. 

Pero ‘yung talagang memorable, una si lola Feleng, na isang pedicab driver. Na kahit matanda na siya, naghahanap-buhay pa rin. Pero ang nakai-inspire for me,  napakaganda ng outlook niya sa buhay. Nag-i-enjoy siya sa pagtatrabaho niya. At sabi niya, wala siyang tinatapakang iba, wala siyang kinululit na ibang pamilya. Siya ay nagsusumikap para sa sarili niya. Kaya isa ‘yun sa mga naka-inspire sa akin.

“Isa pa ‘yung kuwento ni Rolando na may anak na may celebral palsy, na 20 years niyang inaalagaan. Ang dami niyang trabaho, nagbebenta ng balot, nagbebenta ng gulay. Buong araw, sinamahan ko po siya, simula madaling-araw, namalengke kami, nagbenta kami ng isda. Nagbigay ako ng tulong na tindahan sa kanya, hanggang pati tulong sa kanyang anak.

“At may isa pa, si Ronnie, isang delivery driver. Nagba-bike lang siya. Pero binigyan namin siya ng motor. Ngayon, delivery rider na siya ng Angkas.

So by giving those kinds of help, napu-pulfill ‘yung advocacy ng programa. Na hindi lang panandalian ‘yung tulong, pero sustainable, matagal.

“Kaya memorable ‘yung mga ‘yun, kasi nangyari ‘yung shoot, habang nakaburol ‘yung papa ko. Pinapa-cansel sa akin sana ng team ‘yung shoot kaso sabi ko, naghihintay sila (‘yung mga tutulungan).

“Sabi ko, itutuloy ko, kasi sa tingin ko, ‘yun din ang gustong mangyari ng papa ko.”

Ang pagiging matulungin kasi ni Sam ay namana niya sa namayapa niyang ama, na sobrang matulungin din sa kapwa. Ang papa niya ang naging inspirasyon niya para tumulong sa mga nangangailangan.

Ang Dear SV ay napapanood tuwing Sabado sa GMA 7, 11:30 p.m.. 

About Rommel Placente

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez focus sa pagiging ina kina Reece at Sapphire,  tuloy pa rin as vlogger/influencer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MARAMI ang nagulat nang naghiwalay nang landas sina Zara Lopez …

Caleb Santos Jose Mari Chan Hazel Faith

Caleb Santos excited makasama si Jose Mari Chan

MATABILni John Fontanilla EXCITED ang singer, actor na si Caleb Santos na makasama sa konsiyerto ang mahusay …

Nadine Lustre

Nadine patok ang pa-two piece habang nakahiga sa kama

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media ang larawang ipinost ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram account. Isang black …

Lolit Solis Kathniel

Lolit pinayuhan KathNiel fans mag-move on kasabay ng kanilang mga idolo

MA at PAni Rommel Placente AWARE si Lolit Solis na hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-move on …

Janice de Belen Snooky Serna Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Janice kay Gabby—Wala akong galit, we’re friends; Sharon nag-sorry

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Janice de Bellen sa YouTube channel ni Snooky Serna ay binalikan …