Thursday , June 4 2026
Maricel Soriano Aiko Melendez

Aiko binalikan pelikulang namangha silang lahat kay Maricel

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Maricel Soriano sa YouTube channel ni Aiko Melendez, tinanong ng huli ang una, kung ano ang pinaka-paborito nitong pelikula sa dami ng mga nagawa? 

Sagot ni Maricel, “Una, ‘yung ‘Kaya Kong Abutin ang Langit.’ ‘Yung ‘ayoko ng putik’ (dialogue ni Maricel sa isa sa mga eksena niya sa pelikula).Tapos, gusto ko rin ‘yung ‘Dahas’ with Chito Rono (direktor ng pelikula na kapareha niya si Richard Gomez). Gusto ko rin ‘yung pelikula kong ‘Abandonada’ with Joel Lamangan.”

Sa Abandonada, ay nakasama ni Maricel  ang ex-husband niyang si Edu Manzano with Angelu de Leon.

Ang isa pa sa binanggit ni Maricel na paborito niya ay ‘yung Filipinas, na nakasama niya si Aiko. Gumanap sila bilang magkapatid. 

“Oo ‘Nay, ang galing-galing mo roon. Grabe! Ikinuwento ko rin sa vlog mo ‘yung eksena na lahat kami namangha sa ‘yo, dahil tuhog ‘yung eksena na napakahaba na ‘yun. Only you can do that,’ Nay,” sabi ni Aiko kay Maricel.

Mapagpakumbaba namang reaksiyon ni Maricel, “Hindi naman! Lahat din naman kayo roon magagaling, ‘no!”

Ang Filipinas ay isa sa naging entry sa Metro Manila Film Festival 2003. At talagang mahusay doon si Maricel. In fact, siya ang itinanghal na Best Actress sa Gabi ng Parangal ng MMFF.

Ito ‘yung pelikula na may dialogue si Maricel na, “Walang Bagong Taon! Walang magbabago sa pamilyang ito! Wala!”

Nagbalik-tanaw naman si Aiko noong mga panahong tinalikuran pansamantala ni Maricel ang showbiz. Na ayon kay Maricel, ang dahilan ay ang pagkawala ng pinakamamahal niyang ina, si Mommy Linda, na itinuturing niyang Wonder Woman ng kanyang buhay.

Ang hirap Aiko. Ang hirap mawalan ng isang ina,” ang malungkot na sabi ni Maricel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …