Monday , July 15 2024
VMX Bellas VMX V Viva Cafe

VMX Bellas at VMX V nagpasaya sa Viva Cafe 

PROPESYONAL mong aakalain sa pagpe-perform ang mga naggagandahan at nagseseksihang miyembro ng all-girl group na VMX Bellas na binubuo ng mga nagsiganap at nagsipagbida sa ilang pelikula ng Vivamax. Ang tinutukoy namin ay sina Quinn Carrillo, Angelica Cervantes, Tiffany Grey, Hershie de Leon, at Denise Esteban na kahanga-hanga ang husay sa pagkanta at pagsayaw.

Nakapanood kami ng kanilang performance noong Sabado ng gabi sa Viva Cafe sa Cubao, Quezon City na marami ang nanood at nag-enjoy sa kanilang kanta at pagsayaw na ginawa.

Naroon din angmga nagguguwapuhang miyembro ng all-boy group na VMX V (FIVE) na binubuo nina Sean De Guzman, Marco Gomez, Itan Rosales, Mon Mendoza, at Calvin Reyes. Nag-perform din ang lima na sobrang ikinatuwa ng mga babae at beking nanood sa kanila dahil ipinakita ng mga ito ang kanilang kamachuhan.  

Sa totoo lang, first time naming napanood kumanta at sumayaw sina Angelica, Tiffany, Hershie, at Denise at pasado sila sa ginawa nilang performance. Samantalang si Quinn naman ay matagal na naming napapanood dahil sa dati niyang grupong BellaDonnas. At talaga namang hindi rin matatawaran ang galing nito sa pagpe-perform on stage.

Nakatutuwa ang ginawa nilang audience participation na nagtawag sila ng limang kalalakihan para magsayaw at gayahin ang ilang sexy movies nila. 

Ang VMX Bellas at VMX V ay alaga ni Len Carillo ng 3:16 Media Network at kung gusto ninyo silang mapanood na kumakanta at sumasayaw ang grupo go na lang kayo sa Viva Cafe sa may Cyberpark 1 sa Araneta Center Cubao.

Samantala, sinabi ng VMX Bellas at VMX V na hindi sila nakikipag-compete sa ibang grupo bagkus gusto lamang nilang ibahagi ang kanilang passion sa pagkanta, pagsayaw, at pag-perform bukod sa lahat sila’y magagaling na aktor lalo na sina Sean at Quinn.

Naku, nakikini-kinita ko na gagawa rin ang dalawang grupo ng kani-kanilang single. Kaya wait natin ‘yan. (MValdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Billy Crawford

Hindi ako adik — Billy Crawford

MA at PAni Rommel Placente PAYAT ngayon si Billy Crawford. Sinasabi tuloy ng iba na gumagamit …

Pulang Araw 2

Official primer ng bagong show ng GMA nakakikilabot

RATED Rni Rommel Gonzales VIRAL na sa social media ang official primer ng most important …

Michelle Gumabao

Michelle gustong tutukan akting, hosting 

I-FLEXni Jun Nardo IPAGPAPATULOY ng volleyball player na si Michelle Gumabao ang naudlot niyang showbiz career nang …

Blind Gay Couple

Opisyal na babaero sinubasob si male starlet

ni Ed de Leon SINO nga ba iyang opisyal na malaki ang katawan at bilog ang tiyan, …

Pulang Araw

Bagong serye ng GMA ginamitan ng CGI

HATAWANni Ed de Leon MATAGAL na kaming hindi nanonood ng mga serye sa telebisyon. Nakakasawa …