Wednesday , July 17 2024
Lizzie Aguinaldo

Lizzie Aguinaldo dream come true ang pagiging recording artist

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MASUWERTE ang baguhang singer na si Lizzie Aguinaldo dahil pinapirma agad siya ng kontrata sa Star Music.

Ani Lizzie, dream come true ang pagiging recording artist ng ABS CBN label kaya naman excited siya. 

Anang dalaga sa isinagawang launching ng kanyang single na Baka Pwede Na na komposisyon ni direk Joven Tan,  “Cream come true (pagiging contract artist). Dati  kasi sa restroom lang ako kumakanta. Ngayon, nakapag-record na ako ng song sa totoong studio.

“Noong una ko pong nakita ‘yung lyrics, na-in love po agad ako sa song. I said, ‘Wow! Ang bilis naman magsulat ng song ni direk Joven Tan. I’m into pop music, at idol ko po ang Dua Lipa, at gusto kong i-try itong ballad na mayroong touch ng pagka-cute,” ani Lizzie na apo ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo.  

Sinabi pa ni Lizzie na habang nagre-record siya, hindi niya napigilang hindi kiligin dahil na rin sa sobrang excitement. 

“I hope people would jam with whenever nasa mood na kinikilig or moment po na naaalala po ‘yung crush nila especially po sa generation ko. It is simple but it sets the whole vibe po,” sambit pa ng 1 year old artist. 

Malaki ang pasasalamat ni Lizzie sa Star Music lalo’t sobra-sobra ang suportahang ibinigay sa kanya. Dumalo pa nga noong gabing iyon si Jonathan Manalo, creative director ng ABS-CBN Music. Nagpapasalamat din si Lizzie sa kanyang mga kaibigan, kaklase, at sa kanyang buong pamilya na sinusuportahan ang kanyang pangarap. 

Hindi naman itinago ni Lizzie na gusto niya ring mag-artista. Napag-alaman naming dapat ay kasama siya sa pelikula nina Vilma Santos at Christopher de Leon, ang When I Meet You In Tokyo hindi lang siya natuloy dahil may conflict sa kanyang pag-aaral. 

Hindi naman maisantabi ni Lizzie ang pagiging singer dahil as early as 8 year old ay dream na niya ito. “It’s been my dream to be a singer. Eight years old pa lang po ako, gusto ko na talagang mag-perform. I’m super happy and thankful to have the opportunity,” giit nito.

Gusto naman niyang maka-collab ang mga iniidolo niyang singer at promise niya sa sarili, “I’ll work very hard po. I’ll do my best. Hindi ako takot sa rejections,” aniya pa.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maris Racal Rico Blanco Anthony Jennings

Maris nilinis pangalan ni Anthony; Rico pinagtagpo pero hindi itinadhana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ANTHONY is out of the picture.” Ito ang agad na nilinaw …

Bini SB19 Flow G

SB19, Bini pinadagundong ang Araneta, Puregold’s Thanksgiving Concert star studded

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBINGI at parang nasira ang aming ear drum sa sobrang …

Alden Richards It’s Showtime

Alden nagkaroon ng biglaang meet & greet sa It’s Showtime 

I-FLEXni Jun Nardo INAKYAT ni Alden Richards ang itaas na bahagi ng It’s Showtime studio nang mag-guest siya sa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male Starlet walang maipagmalaking project kahit nakakontrata sa isang kompanya

ni Ed de Leon ANG bagay nga sigurong project para sa isang male starlet ay “Bata. Bata …

James Reid Issa Pressman

James Reid lipas na, inulan ng panlalait sa internet 

HATAWANni Ed de Leon KAWAWA rin naman si James Reid kung noong panahon ng kanyang kasikatan ay …