Wednesday , July 24 2024
Boss Toyo

Boss Toyo recording artist na, gustong bilhin damit ng TVJ

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IBANG klase talaga itong si  Jayson Lazadas o mas kilala bilang Boss Toyo, isang social media personality at content creator dahil pagkatapos mabili ang mga polo ni Chito Miranda (sa halagang P150K), Gloc-9 (sa presyong P90K), at ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona (sa halagang P620K), ang mga suot naman nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa kanilang “farewell” announcement sa  Eat Bulagaang gusto niyang mabili. 

Si Boss Toyo ang nasa likod ng online show na Pinoy Pawn Stars, ang local version ng sikat  na reality show na Pawn Stars sa History Channel. Binibili niya ang mga memorabilia ng mga sikat at kilalang personalidad sa mundo ng showbiz sa napakalaking halaga.

Ani Boss Toyo, gusto niyang magkaroon ng memorabilia kaya naman binibili niya ang mga gamit o suot ng mga sikat na personalidad.

“‘Yun talaga ang mga trip ko ngayon, eh,” ani Boss Toyo nang ilunsad siya bilang isa sa bagong talent ng Blvck Entertainment Studios kamakailan.

Katwiran ni Boss Toyo sa pagbili ng mga last na isinusuot ng mga sikat na personalidad, investment ang mga ganoong collection dahil habang tumatagal ay mas tumataas ang value. Kaya naman gustong-gusto niyang bilhin ang mga damit na suot nina Tito, Vic and Joey nang magpaalam ang mga ito sa Eat Bulaga.

“Alam mo, gustong-gusto ko talagang magkaroon ng memorabilia nila, eh. Maganda ‘yung last na suot nila. At saka ‘yung mga ginamit nila sa film nila. Gusto ko sana makabili niyon,” katwiran pa ni Boss Toyo.

Napag-alaman naming nabili rin niya ang “bato” ni Darna sa Kapuso comedian na si Buboy Villar sa halagang P5,000 at ang lumang Mercedes Benz ni Sen. Imee Marcos na ginamit sa pelikulang Maid in Malacañang sa halagang P500,000.

Samantala, patuloy na pinalalakas ng Blvck Entertainment ang kanilang roster of talents. At isa sa mga nadagdag nga ay si Boss Toyo, isang active social media content creator at influencer simula 2017. Ang kanyang mga social media stats ay ang mga sumusunod: Boss Toyo sa Facebook 471k, Boss Toyo Production sa YouTube 383k, sitoyotohmahmen sa Tiktok 85k. 

Parte ng advocacy ni Boss Toyo ay ang kanyang “Sugod Bahay” program na nagpupunta siya sa iba’t ibang barangay sa Metro Manila para magbigay ng entertainment at surprises. Siya rin ang producer ng Geng Geng Network, isang Facebook channel na may iba’t ibang programa tulad ng Pautang Nation, show na puwedeng makautang ang mga online audience ng hanggang P5,000; Battle of the Geng-Geng,  na tulad ng programang Family Feud, at Tarantadong Pinoy, talent show na gustong subukan ang kanilang suwerte sa online fame. 

Lahat ng ito’y para makatulong at maka-entertain, si Boss Toyo ay isa ring entrepreneur at founder ng kanyang sariling clothing line, ang Toyo Wear. 

Nagustahan ng Blvck Entertainment si Boss Toyo dahil sa kanyang pagiging creative, witty, naturally comedic, very spontaneous at ang passion nito sa music.

Sabi nga nina Blvck Entertainment heads Engineers Louie at Grace Cristobal nang papirmahin nila ito bilang Blvck artist, naniniwala sila na nag kanilang collaboration ng ideas ay makapagbibigay ng bagong at interesting concept para sa maraming content production lalo na sa music. 

“With Toyo bringing the good vibes to the company something unique, big and exciting is bound to happen,” anang heads ng Blvck Entertainment.

Ikinokonsidra ni Boss Toyo na baguhan siya sa music industry bagamat nakapag-release na siya ng dalawang kanta samusic streaming platforms. Naging inspirasyon niya para maging rap artist ang mga kaibigang sina Flow G, Honcho, at King Badger

Pangarap niya ang makapagbuo ng maraming awitin dahil naniniwala siyang ang musika ay malakas maka-impluwensiya ng tao. 

Ang Rap Lord ang kanyang latest single na iri-release sa ilalim ng Blvck Music. Ito ay music at lyrics nina Engr. Louie Cristobal at Romel Afable kasama si JG Beats bilang Beat Producer. 

Natanong si Boss Toyo kung bakit Rap Lord ang titulo ng kanyang unang single. ito ay dahil gusto niyang  i-claim ang titulo bilang kanya. At umaasa siyang hindi masasaktan ang ibang rap artists sa awiting ito. 

Kasama ng kanyang music single ay ang music video na idinirehe ni Edrex Sanchez at available na sa YouTube at sa music streaming platforms. 

Una pa lamang ang Rap Lord sa maraming aasahan pang musika mula kay Boss Toyo at sa Blvck Entertainment begins.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Benhur Abalos Perci Intalan

Birthday ni Sec Benhur dinaluhan ng mga kaibigan sa showbiz at politics; Direk Perci sinagot pasaring ni Atty. Topacio

PUNOMPUNO ang EDSA Shangri-la Hotel noong Biyernes dahil mula sa mga kaibigan   sa showbiz at politics …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine nakatulong pagiging palaban sa pagpasok sa Wil to Win

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAPWA magaling na aktres sina Quinn Carillo at Christine Bermas ng Vivamax kaya mula sa  pagpapa-sexy ay …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Nora Aunor Maricel Soriano Alden Richards

Nora, Maricel, at Vilma triple tie for best actress sa 40th Star Awards

ni ROMMEL GONZALES TABLA, yes it’s a tie sina Dingdong Dantes at Alden Richards bilang Movie Actor of the …

Kumu

KUMU  top live streamers  ng SM Agency gustong pasukin ang showbiz

MATABILni John Fontanilla MAGANDA ang bawat kuwento ng  ilang top live streamers ng  SM Agency na umatend …