Thursday , June 4 2026

Ate Vi hindi nagdalawang-isip sa pagbabalik-pelikula

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MATAPOS ang pitong taon ay muling nagbabalik ang Star For Al Season na si Ms Vilma Santos. At ang maganda pa ay muling magtatambal sila ni Christoper de Leon na Ilang pelikula rin noon ang pinagsamahan na mga hit sa takilya.

Ayon kay Ate Vi nang mabasa niya ang synopsis at setting ng pelikula plus si Boyet pa ang makakatambal niya, agad niyang tinanggap ito. Timing kasi ang setting, sa Japan dahil Sakura season or Cherry Blossom plus may mga snow pa sa ibang area na kailangan lahat sa mga eksena nila sa pelikula. Bale ika-25 pelikula na nila itong When I Met You In Tokyo. 

Isang love story ito na may mga edad na at walang pinipiling edad ang mga nagmamahalan. Sabi nga ni Ate Vi. “Love has no boundaries.” 

Hindi raw kailangang baguhin ang mga edad nila para lang maipakita ang pagmamahalan ng dalawang nilalang. Bale mga OFW sila sa Japan at isa sa gusto nilang ipakita ang hirap ng mga OFW para kumita at suportahan ang mga pamilya nila sa Pilipinas. 

Layuynin din ng kanilang pelikula na maturuan ang mga kamag-anak ng mga OFW kung paano gastusin ang mga ipinadadalang pera sa tamang pamamaraan. Kaya dumalo rin sa contract signing si Arnell Ignacio,  Administrator ng OWWA na sumusuporta sa pelikula. 

Kaya maraming naniniwala na magiging blockbuster ang pelikulang ito.

Sina Rowena Jamaji at Rajan Gidwani ng JG Productions ang producer at first film project nila ito. Si Redgie Acuna Magno ang Supervising Producer at three weeks silang mananatili sa Japan for the shoot. 

Kasama rin sa movie sina Cassy Legaspi, Darren Espanto, Lotlot de Leon, Gina Alajar, Cacai Bautista, Tirso Cruz III, at Jacky Woo. Directed by Rommel Pineza, Rado Peru at Christoper de Leon as Associate Director.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …