COOL JOE!
ni Joe Barrameda
HINDI namin napanood ang Here Comes The Bride pero mas riot daw itong Here Comes The Groom. Mukhang maraming maaaliw na manonood sa upcoming Summer Metro Manila Film Festival at first time itong mangyayari huh,
Walang inisip si Enchong Dee at agad niyang tinanggap ang offer ni Atty Joji Alonzo sa role na inialok sa kanya na magiging transgender kahit wala pa siyang experience sa ganitong role.
Eh si Keempee de Leon sanay na sa dami ng bading role na ginawa niya. Pero habang pinapanood namin ito sa press preview, parang kami ang nahihirapan sa pag-tackle ng role nila. Hirap pero tatawa ka ng tatawa sa mga reaksiyon nila.
Sabi nga ni Enchong, inalalayan siya ni Kaladkaren sa pag-arte niya at nawawala naman niya ng bonggang-bongga. Kudos din kay Gladys Reyes sa galing niya i-execute ang mga role niya sa dalawang pelikulang kasama siya rito sa Summer MMFF. Hasang hasa na siya through the years bilang artista.
Saludo kami kay Direk Chris Martinez at napaarte niya ng tama ang mga artista niya rito sa Here Comes The Groom.