Saturday , July 27 2024
Ms Glenda Pinakamakinang The Brilliant Concert 2023

Ms Glenda ng Brilliant Skin kinikilig kay Alden, super crush pa rin

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI itinago at talagang inamin ng CEO at lady boss ng Brilliant Skin Care na si Ms Glenda na matagal na niyang crush si Alden Richards.

Ang pag-amin ay naganap sa media conference ng Pinakamakinang The Brilliant Concert 2023 na magaganap mamayang gabi, Pebrero 7, 2023, sa Araneta Coliseum.

At dahil super crush niya si Alden, kasama ang aktor bilang isa sa mga special guest sa nasabing concert.

Actually dapat surprise ang pagge-guest niya sa concert. Pero dahil tinanong ninyo ako, hindi na surprise kasi nalaman n’yo na,” natatawang pagbabahagi ni Ms Glenda sa mediacon noong Linggo na ginanap sa Novotel Manila Araneta City sa Cubao.

Bukod kay Alden, magpaparinig  rin ng magagandang musika sina Jona, Morissette, Adie, Mayonnaise, Kamikazee, Drag Queens, at Bamboo.

Mapapanood din sa concert sina Seth Fedelin, Jillian Ward, Zeinab Harake, Andrea Brillantes. Pati na sina Rabiya Mateo, MC, at Lassy.

Bukod pa riyan kasama rin sa mga guest sina Sen. Raffy Tulfo at Korina Sanchez.

Crush na crush ko talaga si Alden. Noon pa man, AlDub na ako, sinusubaybayan ko na sila ni Maine Mendoza,” ani Ms Glenda.

Palagi akong nagme-message sa kanya. Kahit hindi niya nasasagot minsan. Sige pa rin ako sa pagme-message sa kanya.

“Noong napanood ko nga siya sa ‘Hello Love, Goodbye,’ talagang lalo akong naging fan.

“At saka, si Alden, hindi lang dahil sa guwapo siya, alam ko kasi na mabait din talaga siya,” sabi pa ng lady boss.

At dahil minsan nang nabigyan ng pagkakataon na makaarte at napasok sa PBB, natanong si Ms Glenda kung sino ang gusto niyang makatrabaho. At walang kaabog-abog na sinagot niya na si Alden. 

“So kung mabibigyan ng pagkakataon, why not? I mean, kung may offer na umarte sa harap ng kamera.

“Kaya lang baka hindi ako makaarte, kasi siya ang kaeksena ko. Baka abutin ng matagal ang shooting,” sambit pa nito.

At dahil kaakit-akit ang kagandahan ni Ms Glenda naurirat ang kanyang lovelife. na hindi naman ipinagkait ang tunay na estado ng kanyang puso.

 Ani Ms Glenda kakahiwalay lang nila ng kanyang asawa at may trauma pa siya kaya wala pa sa kanya na pumasok sa isang bagong relasyon.

FYI I’m still married. May mga aayusin pa akong legal matters.

“Siguro pag okey na ang lahat, ‘yung okey na okey na talaga. Pero sa totoo lang, ngayon parang feeling ko nakaka-trauma na ang magmahal ulit.

“Nakaka-trauma nang magmahal ulit. Bilang ako, siguro mahihirapan akong humanap ng tao na kayang tanggapin kung sino ako, kayang tanggapin kung ano ang responsibility ko.

“Hindi ako naghahanap ng mayaman, na kaya akong buhayin. Ang gusto ko lang ‘yung taong nandiyan sa tabi ko, na susuportahan ako sa lahat ng gusto ko, na dapat mabait at maalaga,” saad pa ni Ms Glenda.

Ang #PINAKAMAKINANG concert ay pasasalamat ng kompanya sa kanilang Brilliant Skin Essentials loyal user, friends, resellers, distributors, at franchisees, para sa kanilang suporta sa kanilang lumalaking pamilya. Importante ring malaman ng lahat na ang concert na ito ay libre para sa kanila.

Bukod sa mga pasabog na performances, isang maagang pa-birthday din ito para kay Ms. Glenda na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa February 14.

Kaya bilang regalo sa mga manonood sa Araneta Coliseum, kung susuwertehin, pwedeng mapanalunan ang isa sa 10 na Yamaha Mio motorcycles, o kung hindi naman, baka ikaw na ang magda-drive pauwi ng alinman sa dalawang brand new cars na ipamimigay.

Ang Brilliant Skin Essentials ay tumutulong din sa mga kababayan nating nangangailangan at mga nasalanta ng kalamidad, sa pamamagitan ng kanilang charitable organization na BRILLIANT LOVE.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …