Thursday , March 30 2023

Minahan ng apog sa Danao, Cebu gumuho
PASTOLERA NG BABOY NATABUNAN, PATAY

PATAY ang isang 46-anyos babaeng nagpapastol ng mga alagang baboy nang gumuho ang minahan ng apog sa Brgy. Sabang, sa lungsod ng Danao, lalawigan ng Cebu nitong Biyernes, 3 Pebrero.

Kinilala ang biktimang si Mejame Iway Papaya, 46 anyos.

Ayon sa public information office ng lungsod, naiulat na nawawala ang biktima noong Biyernes ng hapon matapos gumuho ang minahan habang siya ay nagpapakain ng kanyang mga alagang baboy.

Nabatid na ipinapastol ng biktima ang kanyang mga alagang baboy sa loob ng minahan sa likod ng Sabang Elementary School.

Dakong 9:00 pm nang marekober ng mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at City Fire Department ang katawan ng biktima sa ilalim ng gumuhong apog.

Sinusuri na ng CDRRMO ang lugar upang matukoy kung kinakailangang sapilitang ilikas ang mga residente matapos ang insidente ng pagguho.

Ayon kay Michelle Mindigo, city information officer, sinusuri nila kung ligtas para sa mga naninirahan malapit sa nasabing lugar.

About hataw tabloid

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …