Sunday , July 21 2024

KimJe muling magsasabog ng komedya ngayong Enero

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISANG romantic comedy ang unang handog na pelikula ng Viva Films, ang Girlfriend Na Pwede Na na pinagbibidahan ng reel and real life team up na sina Kim Molina at Jerald Napoles. Kaya humanda nang magmahal at mahalin ng buong-buo, ang Girlfriend Na Pwede Na sa January 18, 2023 sa mga sinehan.

Kilalanin si Pam (Kim), ang girlfriend na pwede na, hindi sobra, hindi kulang, sakto lang. Isang dalagang nasa late 20s, matagal na nitong pangarap na i-level up sa next chapter ang buhay niya at magpakasal sa  longtime boyfriend na si Jiggs (Gab Lagman), pero kahit na pitong taon nang magkarelasyon, kahit kailan ay hindi nagpahiwatig si Jiggs na mag-propose kay Pam. Hindi pala sigurado ang binata kung si Pam na ba ang babaeng nakalaan para sa kanya. Malalaman ni Pam ang dahilan ni Jiggs, maiinsulto at masasaktan ito at makikipag-break sa boyfriend, pero pagsisisihan niya rin agad dahil alam niya sa sariling mahal pa rin niya ‘to. 

Imbes na mag-move on, iisip ng plano si Pam para magkabalikan sila ni Jiggs at ma-realize nito na si Pam ang nakatadhana para sa kanya. Sa tulong ng mga kaibigan, hahanap sila ng perfect guy na pagseselosan ni Jiggs. Dito nila makikilala si Isko (Jerald Napoles), isang Buko Juice vendor, na sa kapalit ng malaking halaga ay papayag na magpanggap at maging perfect boyfriend ni Pam. 

Pero ang fake at pilit na relasyon ng dalawa ay magiging masayang pagsasama dahil magkakasundo ang humor nina Pam at Isko, marami ring magiging similarities ang ugali nilang dalawa. Mapapansin naman ni Jiggs at ng mga kaibigan ni Pam ang pagbabago sa dalaga pati na ang closeness nila ni Isko. 

Rito na magsisimulang magselos si Jiggs at susubukan muling makipagbalikan kay Pam. Ito na sana ang perfect ending na hinahangad ni Pam na aayon sa mga plano niya, pero mag-iiba ang ihip ng hangin dahil napalapit na ang loob nito kay Isko at baka nga nahuhulog na rin ang loob nito sa binata. Pipiliin ba ni Pam ang pamilyar na siya at kilala na ng puso niya? O ang bagong dating na nagpapasaya sa kanya? Si Jiggs pa rin ba ang gusto niyang pakasalan? O nabago na ba ni Isko ang isip niya? 

Ang Girlfriend Na Pwede Na ay feel-good movie ni Benedict Mique na isang batikang screenwriter at filmmaker, na isa ring Gawad Urian nominated director para sa pelikula niyang ML noong 2018. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

50th MMFF

Ika-50 taon ng MMFF ipagdiriwang

INILUNSAD ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pagsisimula ng ginintuang jubilee noong Hulyo 16, 2024, sa …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

 Lilet Matias gustong ipagtanggol ng netizens

RATED Rni Rommel Gonzales TINUTUKAN ng mga Kapuso ang pagbawi ng mga inaapi sa hit …

Asawa Ng Asawa Ko naka-1 billion views na

RATED Rni Rommel Gonzales CERTIFIED bisyo ng bayan gabi-gabi ang hit GMA Prime series na Asawa …

Widows War

Biggest murder mystery series ng GMA may 100 million views na

RATED Rni Rommel Gonzales  HOOK ang taumbayan sa biggest murder mystery series ng taon, ang Widows’ …

Vic Sotto Playtime

Bossing Vic nag-Playtime

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ANG bongga naman ng isang gaming apps dahil nakuha nila ang …