Monday , July 22 2024
Carlo Aquino Charlie Dizon Barbie Imperial Trina Candaza

Carlo naiyak nang magkuwento ukol sa anak; Charlie inaming nagpapasaya 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HALATANG pigil na pigil ni Carlo Aquino na maiyak pero hindi niya napigil mangilid ang kanyang luha nang magkuwento ukol sa hindi nila pagkikita ng kanilang anak.

Ani Carlo nang makausap namin sa media conference ng I Love Lizzy kasama si Barbie Imperial na mapapanood sa mga sinehan simula January 18, isa sa tatlong bonggang collab ng Star Magic at MavX Productions na November last year pa hindi niya nakikita anak niya kay Trina Candaza.

Pagtatapat ng magaling na aktor, hindi siya masyadong affected sa pamba-bash sa kanya ng mga netizen hinggil sa naging relasyon nila ni Trina, dahil ang inaalala niya ay ang anak na si Mithi.

Well, ever since naman ganoon na ‘yung tingin nila sa akin, eh, ‘di ba? Hindi mawawala ‘yung bashing talaga lalo na kapag masaya ‘yung isang tao.

“Para sa akin, as long as intact ‘yung inner circle ko at hindi nanggagaling ‘yung hate at bashing sa mga nagmamahal sa akin, bakit ko papansinin?

Ang nakaaapekto lang talaga sa akin is hindi ko nakikita ‘yung daughter ko since November,” dire-diretsong pagbabahagi ng aktor.

Natanong si Carlo kung nag-reach out siya kay Trina para makita ang anak. “Ayaw ko kasing magsalita ng anything against her, ‘di ba?

“Kasi at the end of the day, mom siya ni Mithi. Basta nag-reach out po ako. Tinanong ko po kung kailan ko pwedeng makasama, New Year ba, kasi usually ganoon, eh.

“Wala pong sagot. Siyempre importante ‘yung time with me, ‘yung time rin with my parents, ‘yung lolo’t lola na senior na, sila mommy at daddy.

“Sana, ‘di ba, mahiram ko naman. Tutal nagpo-provide ako para sa kanilang dalawa, ayoko nang isa-isahin…lahat ng need nila,” malungkot na sabi ni Carlo.

Kitang-kita ang sama ng loob ni Carlo sa ilang buwang hindi nakikita at nakakasama ang anak gayung hindi naman siya nagkulang. 

Sinabi pa ni Carlo na binigyan niya ng cellphone ang anak at sa tuwing nagkikita sila ay nagvi-video sila para kung hindi man sila madalas magkita, sa pamamagitan niyon ay makikita siya ng anak.

Every time naman talaga nagbibigay ako ‘yung alam kong kailangan niya, ‘yung alam kong hindi kalabisan para sa edad niya,” aniya pa.

Inamin pa ni Carlo na hindi niya alam kung bakit ayaw ipakita sa kanya ni Trina ang anak. 

Noong nakikita ko pa po si Mithi, binilhan ko siya ng cellphone. Na every time na magkikita kami, magbi-video kami ng mga ginagawa namin para eventually makikita niya ‘yon na mahal na mahal ko siya,” sabi pa ni Carlo.

“Ever since na nakukuha niyang blessings, I wish her well. Lagi kong ipinagdarasal na physically and mentally she’s in better place.

“Kasi araw-araw niyang kasama ‘yung anak ko, ‘di ba. Sino ba naman magwi-wish ng something bad sa nanay ng anak niya, ‘di ba. ‘Yun lang, at this point sana lang mahiram ko si Mithi. ‘Yun lang naman po,” mensahe ni Carlo kay Trina.

Sa kabilang banda, hindi naman ikinaila ni Carlo ang tungkol sa kanila ni Charlie Dizon.

Sabi ko nga, ‘yung heart ko and ‘yung mind ko is at peace. Mahirap ma-achieve ‘yon sa nangyayari sa paligid, sa pandemic. Ngayon may peace of mind ako at masaya ‘yung puso ko.

“I’m getting to know Charlie. And sobrang positive niyong pasok niya sa buhay ko. And very thankful ako. Kasi naiilang ako, ‘di ba, kapag maraming tao nahihiya ako, pero kapag kasama ko si April (Charlie), parang feeling ko belong ako,” sabi pa ni Carlo. Nagkasama at nagkahulihan ng loob sina Carlo at Charlie sa A Soldier’s Heartng ABS-CBN.

Mapapanood sa mga sinehan ang I Love Lizzy na idinirehe ni RC delos Reyes

Ang dalawa pang collab ng Star Magic at MavX Productions ay ang Unravelled nina Gerald Anderson at Kylie Padilla at The Swing nina RK Bagatsing at Jane Oineza.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sophia Nadia Montenegro Baron Geisler

Baron wala pang pag-amin na anak si Sophia

HATAWANni Ed de Leon HINDI diretsahang inamin ni Baron Geisler na anak nga niya ang bunsong anak …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …

AJ Raval Aljur Abrenica

Aljur at AJ relasyon inilantad, paano ang anak?

HATAWANni Ed de Leon KAYA pala hinahamon ni Aljur Abrenica ang kanyang dating asawang si Kylie Padilla na aminin …

Kelley Day

Kelley Day magiging aktibo na; dahilan ng pagkawala sa showbiz ibinahagi

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SUKI ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editor (SPEEd) si Kelley Day dahil dalawang …

Jennlyn Mercado Beautederm Rhea Tan

Jennylyn freelancer, walang offer sa ABS-CBN; Pinabilib si Rhea Tan sa pagiging simple

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INAMIN ni Jennlyn Mercado na freelancer siya sa kasalukuyan at iginiit na …