Friday , April 26 2024
Christine Bermas Night Bird

Christine Bermas, dream come true ang pelikulang Night Bird

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO si Christine Bermas na dream come true sa kanya ang pelikulang Night Bird. Nakilala kasi ang magandang talent ni Ms. Len Carrillo sa mga pelikulang sexy, pero rito ay iba naman ang aabangan sa kanya ng manonood.

Wika ni Christine, “Finally, dream come true ito na nakagawa na rin po ako ng isang action movie. Pero, hindi pala siya madali, sobrang hirap niya, kasi physical siya, eh. Like, buong katawan mo talaga ay gumagana.

“Para sa akin, mas mahirap iyong action film… and dito, nahirapan lang talaga ako kasi it’s more on physical talaga.”

Idinagdag pa ng Vivamax actress, “Pero hindi naman ako totally nahirapan dahil nagkaroon naman kami ng training at nandoon naman ang mga coaches namin at igina-guide naman nila kami kada shoot namin.”

Ano ang kaibahan ng Night Bird sa mga previous films na nagawa niya?

Esplika ng aktres, “Ang difference nito sa mga nagawa kong films, action film po ito at very challenging po talaga ito sa akin, kasi first time kong gumawa ng action film.

“Sa Relyebo kasi ay more on drama siya, sa Scorpio Night 3 naman po is more on like, sexy. Dito sa Night Bird, thankful ako at happy ako na nakagawa ako ng isang action film na very-very challenging po talaga.”

Ang Night Bird ay pelikula ni Law Fajardo na pinagbibidahan ng Vivamax star at Scorpio Nights 3 actress na si Christine. Makakasama niya sa pelikula ang ilang sa mga award-winning at talented hunk actors ng iba’t ibang henerasyon na sina Sid Lucero, Mark Anthony Fernandez, Arron Villaflor, at Felix Roco. Kasama rin sa pelikula sina Chloe Jenna, Alexa Ocampo, Ali Khatibi, at iba pa.

Ang magpakasaya sa alak at magpakalasing sa tuwa kasama ang mga kaibigan ay ilan sa mga bagay na hindi natin basta-basta nakakalimutan. Mga pagkakataon na nakabubuhay ng dugo at hinahayaan tayong makalimot sa lahat ng problema, sa lahat ng dapat isipin.

Pero minsan ang mga pagkakataon ding ito ang nagdadala sa atin sa mga desisyong hindi pinag-iisipan at puwede pang magdala sa atin sa kapahamakan.

Ngayong Bagong Taon, may bago ring ihinanda ang Vivamax para sa mga subscribers. Mapapanood na ang Night Bird, isang sexy-thriller Vivamax Original Movie, streaming na ngayong January 13, 2023.

Kuwento ito ni Rachel (Christine) na isang gabi ay nagpunta sa bar para makipagsaya at mag-unwind kasama ang mga kaibigan. Dito makikilala nila ang apat na misteryoso pero mga guwapong kalalakihan (Sid, Mark, Arron, at Felix), magsasama-sama sila sa pagpa-party para sa isang gabing hindi malilimutan. Pero ang party na dapat ay puno lang ng alak at kasiyahan ay mauuwi sa isang ‘di magandang bagay dahil pagsasamantalahan ng apat na kalalakihang nakilala nila, sina Rachel at ang mga kaibigan nito.

Iisa lang ang nasa isip ni Rachel – gusto niyang maghiganti. Kakailanganin niya ang kanyang husay at talino sa pakikipaglaban na itinuro sa kanya ng ama.

Keep your friends close, and your enemies closer. Maniningil na at maghihiganti, panoorin na ang Night Bird, streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong January 13, 2023.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store. Sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para sa magbabayad gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.

About Nonie Nicasio

Check Also

David Licauco Derrick Monasterio Teejay Marquez Kiko Estrada Enzo Pineda Ruru Madrid

Ruru, Teejay, Derrick, Enzo, David, at Kiko  nagsapawan

MATABILni John Fontanilla TIMELY ang pagpapalabas ng barkada film nina David Licauco, Derrick Monasterio, Teejay Marquez, Kiko …

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Myrtle Sarrosa Kristoffer Martin Claire Castro

Myrtle bistado na, relasyon nina Kristoffer at Claire nanganganib

RATED Rni Rommel Gonzales MANAGOT na ang dapat managot dahil patuloy ang pagsabog ng katotohanan …

Ruru Madrid Jillian Ward Yassi Pressman Angeli Khang

Angeli balakid kina Ruru at Yassi

NON-STOP talaga ang mga pasabog ng action-packed series na Black Rider dahil magkakasama na ang kasangga ng …