Friday , March 31 2023
sea dagat

Ilog tinawid habang lasing
LALAKI TODAS, KASAMA HINAHANAP

PATAY ang isang lalaki habang nawawala ang kanyang kasama at asawa nang tangayin at malunod sa ilog sa bayan ng Mangaldan, lalawigan ng Pangasinan, nitong Sabado, 10 Disyembre.

Kinilala ng Pangasinan PPO ang mga biktimang si Romnick Macam, 29 anyos; at Rodrigo Bautista, 48 anyos, patuloy na nawawala, parehong mga residente sa Brgy. Macayug, sa naturang bayan.

Ayon sa nakasaksing si Joanne Quinto, dakong 6:20 pm kamakalawa, nakita niya ang dalawang lalaking halatang nakainom ng alak na tumatawid sa ilog ng Angalacan.

Nang nasa gitna na sila ng ilog, nalunod ang isa habang sinusubukang sagipin ang kanyang kasamang naunang malunod.

Nagawang mahanap ng mga miyembro ng search and rescue operation team mula sa Mangaldan PNP at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ang biktimang si Macam.

Agad dinala ng ambulansiya sa Rural Health Unit sa pinakamalapit na pagamutan ngunit idineklarang patay dakong 7:15 pm.

Samantala, patuloy na pinaghahanap ng mga search and rescue team ng PNP Mangaldan at MDRRM ang isa pang biktima.

About hataw tabloid

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …