Wednesday , November 12 2025
Ang Kwento ni Makoy

Buboy Villar at Bella Thompson magpapakilig sa Ang Kwento ni Makoy


ISANG natatanging pelikulang mapapanood sa mga sinehan simula Disyembre 7 ang magpapakilala sa bagong loveteam na sina Buboy Villar at Bella Thompson sa Ang Kwento ni Makoy (AKNM)

Isang romcom movie ito na pinamahalaan ni HJCP at produksiyon ng Masaya Studio Inc, ayukol sa isang masayahin at mapagmalasakit na nurse (Villar) na mag-aalaga sa isang masungit na Covid patient (Thompson).

Bukod kina Buboy at Bella, bibida rin sa Ang Kwento ni Makoy sina  Elan Villafuerte, Jimson Buenagua, Ranz Aganan, Angelita Loresco, Kenneth Mangurit, at Kharyl Shanti Ibnohasim na kilala sa larangan ng Philippine indie films at indie theatrical plays. Kasama rin dito ang mga bagong mukha sa industriya na sina Caroline Perla, Jonna Sibonga, at Prince Euri Feliciano.

Kinunan noong kasagsagan ng pandemya, umiikot ang Ang Kwento ni Makoy sa kakaibang onscreen chemistry nina Bella at Buboy na gaganap si Bella bilang isang self-help writer na magiging positibo sa COVID-19 at aalagaan naman ng karakter ni Buboy na isang mabait at masayahing nurse. Sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga karakter pagdating sa kani-kanilang pananaw sa buhay, ang karisma ni Buboy ang magbibigay-daan para maging magkaibigan ang dalawa at matutunan ang kahalagahan ng buhay at mga taong malapit sa kanila. 

Huwag palampasin ang loveteam debut nina Buboy at Bella sa big screen sa pagbubukas ng Ang Kwento Ni Makoysa mga sinehan nationwide ngayong Disyembre 7.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …