Thursday , December 1 2022
Heart Evangelista orange bikini
Heart Evangelista orange bikini

Komentong butiki kay Heart ‘di pinalampas

MA at PA
ni Rommel Placente

BINUWELTAHAN ni Heart Evangelista ang isa niyang basher na pumula sa kanya sa Instagram.

Sa kanyang post kasi noong November 2, 2022, ibinahagi niya ang kanyang pag-mix and match ng damit.

Caption niya, “Season 3 na! Get ready with me [check, sparkle emojis]”

Halos lahat ng komento sa kanyang post ay positibo puwera sa isang naligaw na basher.

Sabi ng basher: “U look like butiki! Lol.”

At pinatulan na nga ito ni Heart. Aniya, sinubukan niyang maging kamukha ng butiki. Buti pa raw ang basher dahil wala itong kahirap-hirap maging mukhang butiki.

Sagot ni Heart sa kanyang basher, “Omg I really tried to look like that !!:) Buti ka pa effortless :)”

Nag-reply naman kay Heart ang basher. Sabi nito, “I don’t mean harm or bad way.”

Hindi na siya sinagot pa ni Heart.

Pero ang kanyang followers ang sumagot para sa kanya. Binatikos ng mga ito ang basher niya.

About Rommel Placente

Check Also

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa Bicol nasakote sa Pasig

NADAKIP sa lungsod ng Pasig ang isang 48-anyos lalaking wanted sa kasong pamamaslang sa kanyang …

road accident

Bumangga sa barrier
11 PULIS SUGATAN SA TUMAOB NA PATROL CAR

SUGATAN ang 11 pulis nang sumalpok ang kanilang patrol car sa isang concrete barrier saka …

Bukidnon PPO Police PNP

Sa Bukidon
4 PATAY, 2 PA SUGATAN SA ALITAN SA LUPAIN

PATAY ang apat katao habang sugatan ang dalawang iba pa sa insidente ng barilan at …

dead gun police

Aresto nauwi sa enkuwentro, 2 suspek todas, 2 pulis sugatan,

TODAS ang dalawang miyembro ng isang criminal gang habang naaresto ang apat nilang galamay nang …

paputok firecrackers

Halos isang buwan sa pagtatapos ng 2022
PRESYO NG PAPUTOK PATULOY NA TUMATAAS

MAHIGIT isang buwan bago salubungin ng mga Filipino ang taon 2023 sumirit pa ang presyo …