Tuesday , November 11 2025
Jessy Mendiola Luis Manzano Vilma Santos

Sa kasarian ng magiging apo
ATE VI AYAW PANGUNAHAN SINA LUIS AT JESSY

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATURAL naman, hindi  pangungunahan ni Ate Vi (Vilma Santos) sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa kung ano mang announcement ang mayroon sila sa kanilang anak.

Alam na pala niyang buntis na si Jessy pero hindi siya nagsalita hanggang sa mismong si Luis ang gumawa ng public announcement sa kanyang social media account.

Alam naman ninyo ang mga artista ngayon, bloggers na rin dahil natuklasan nila na maaari palang pagkakitaan iyon. Kung saan man nila gagamitin ang kita, wala na tayo roon pero kumikita sila sa vlog.

Natanong si Ate Vi, alam na ba raw niya kung lalaki o babae ang kanyang magiging unang apo? Hindi rin niya sinagot iyan at sinabing ang dapat mag-announce ay sina Luis at Jessy. Pero iyon naman ay hindi talagang nakikita sa scan hanggang walang limang buwan ang pagububuntis. Hindi mo rin masasabing walang mintis. Masasabi lang walang mintis kung lalaki dahil nakikita mo na agad, kung walang makita hindi mo masasabing babae na, dahil baka iba lang ang anggulo ng scan.

Kung si Ate Vi ang tatanungin, iba ang opinion niya sa bagay na iyan.

Iyong mga mag-asawa ngayon, dahil excited lalo na’t una o may gusto silang gender, talagang nagpapa-scan. Pratical iyan dahil sa simula pa lang alam na nila kung babae o lalaki, mapaghahandaan na

nila. Like iyong colors ng mga gamit, at lalo na nga napag-iisipan nilang mabuti ang pangalang ibibigay nila sa baby.

“Pero may isang bagay na nawawala, iyong excitement na kagaya noong araw na hanggang hindi ka nanganganak, hindi mo alam kung ano ang baby mo. Iba rin ang ganoong feelings at iyon ang nawawala dahil sa scanning,” sabi ni Ate Vi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …