Tuesday , November 11 2025
Vico Sotto

MAYOR VICO PANG ‘SENIOR’ NA ANG TUHOD
Binawalan ng sobrang paglalakad

MA at PA
ni Rommel Placente

SA pamamagitan ng kanyang Facebook account noong Sabado, August 13, ay ibinahagi ni Pasig Mayor Vico Sotto na sumailalim siya sa isang medical procedure na may kinalaman sa nararamdaman niyang sakit sa tuhod.

Dahil dito, sinabi niya sa kanyang mga constituent na hindi na muna niya mapupuntahan ang ilang mahahalagang events na nakakalendaryo na sa kanyang opisina.

Facebook post ni Mayor Vico, “Kahapon sumailalim ako sa procedure na PRP o ‘platelet-rich plasma sa dalawang tuhod. Kaya bilin ng Doktor, bawasan ko muna ang paglalakad hanggang bukas (August 14).

“Kaya magpapaalam lang ako na limitado lang muna ang maaattendan kong events hanggang sa Martes.

“Maraming salamat sa napaka husay na sina Doc Gar Eufemio ng Peak Form. Magsasampung taon na kong nagpapatingin sa kanila.

“Hindi ko na maalala ang bawat injury ko sa dami. pero yung sa tuhod talaga ang malaking problema dahil ang sakit maglakad tapos kulang ang oras ko para magpa therapy/gym,” sabi pa ni Vico tungkol sa kanyang karamdaman.

“Napaisip nga ako nung International Youth Day nung August 12 …33 yrs old pa lang ako, pang senior citizen na tong tuhod ko.. kailangan alagaan din natin ang ating KALUSUGAN.

“Kaya ito, sa susunod na buwan, HA/lubricant naman (pang senior na talaga haha), tapos strengthening program. Malay natin, makapag back from retirement (basketball emoji) pagkatapos ng ilang buwan,” pahayag pa ng anak ni Vic Sotto.

Wish lang namin na gumaling na ang mga tuhod ni Mayor Vico.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …