Tuesday , November 11 2025
Nagpanggap na pulis 2 KELOT TIMBOG SA HOLDAP

Nagpanggap na pulis..
2 KELOT TIMBOG SA HOLDAP

Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaki matapos magpanggap na mga pulis at mangholdap sa mga driver sa lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 9 Agosto.

Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, agad rumesponde ang mga tauhan ng Malolos CPS upang madakip ang dalawang pekeng pulis para sa kasong Robbery.

Kinilala ang mga suspek na sina Regie Garcia, 32 anyos, factory worker; at Angelo Asistin, 27 anyos, shoe repairman, kapwa mga residente ng Brgy. Tikay, Malolos.

Nabatid na nagpakilala ang dalawang suspek bilang mga pulis sa mga  driver ng pinapara nilang mga sasakyan saka kukumpiskahin ang driver’s license ng kanilang mga biktima sa mga sinasabi nilang traffic violation.

Matapos nito ay pasusunurin ng mga suspek sa kanila sa police station ang kanilang binibiktia subalit kapag nakarating sila sa madilim na bahagi ng lugar ay dito na nila idinedeklara ang kanilang pangho-holdap at tatakas dala ang mga dinambong na mga aria-arian.

Matapos makarating ang reklamo, agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Malolos CPS kung saan nila nahuli ang mga suspek sa habulang naganap sa Brgy. San Juan, sa nabanggit na lungsod.

Narekober mula sa mga suspek ang isang pitakang naglalaman ng ID’s, ATM card at perang nagkakahalagang P7,000, na positibong kinilala ng biktima na kanyang pag-aari. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …

Bodjie Dy III

Maging handa, magkaisa at huwag magpakampante

kay Uwan – Speaker Bodji ni Gerry Baldo NANAWAGAN si House Speaker Faustino “Bodj” Dy …