Wednesday , December 11 2024
CoVid-19 vaccine taguig

500 Marinong Pinoy binakunahan sa BGC

SUMALANG ang panibagong batch ng mga marinong Filipino sa vaccination centers sa loob ng Bonifacio Global City sa lungsod ng Taguig kahapon ng hapon.
 
Dakong 4:00 pm ay itinuloy ng Taguig city government ang pagtuturok ng bakuna sa panibagong batch na 500 marinong Filipino, na kabilang sa priority list ng gobyerno sa vaccination program.
 
Sinabi ni Taguig City Mayor Lino Cayetano, bahagi ito ng pagkilala sa kabayanihan ng mga marino sa napakalaking kontribusyon sa ekonomiya ng bansa.
 
Dagdag ni Cayetano, ang mga marino ang nagdadala ng mga pangangailangan ng bawat bansa sa buong mundo tulad ng mga pagkain, gamot at mga kagamitan na kailangan ngayong panahon ng pandemya kung kaya’t kinikilala ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang kanilang sakripisyo.
 
Nauna nang binakunahan noon nakaraang linggo ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang 500 marino kaalinsabay ng pagdiriwang ng International Seafarers Day, na isinagawa sa Lakeshore Mega Vaccination Hub, Lower Bicutan sa nasabing lungsod.
 
Bukod kay Mayor Cayetano, dumalo sina Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, testing czar Secretary Vince Dizon, at Alan Tanjusay, spokesperson ng Associate Labor Union.
 
Inilinaw ni Secretary Roque, ang bakuna ay hindi gamot sa CoVid-19 kundi proteksiyon para labanan ang virus.
 
Kailangan pa rin ang pagsunod sa minimum public health standard kabilang ang pagsusuot ng facemask at face shield, social distancing, at hugas kamay.
 
Inihayag ni Mayor Cayetano, hanggang hatinggabi kada araw ang operasyon ng pagtuturok ng bakuna sa mga Taguigueño sa mga vaccination hub ng lungsod upang mas mapabilis at marami pa mabakunahan, para matiyak ang kanilang proteksiyon kontra CoVid-19. (JG)

About Jaja Garcia

Check Also

BingoPlus Howlers Manila 3.0 FEAT

BingoPlus blasts the party at the Howlers Manila 3.0

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, elevated the Howlers Manila 3.0 Cosplay and Music …

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night FEAT

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night

METRO MANILA – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, together with your 24/7 …

Gusi Peace Prize

Gusi Peace Prize 2024: Honoring Global Changemakers Across Diverse Fields

THE Gusi Peace Prize, often regarded as the “Asian Nobel Peace Prize,” celebrated its 37th …

QC Wellness Center opened to support educators well-being

QC Wellness Center opened to support educators’ well-being

The SM Foundation, in partnership with the Quezon City Schools Division Office, inaugurated the Schools …

SM BDO Feat

Alagang Kabayan: How BDO and SM transform the lives of Overseas Filipino families through the years

For millions of Overseas Filipinos (OFs), the holidays often mean sacrificing precious moments with loved …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *