Sunday , April 20 2025

Tren sa Bulacan bibiyahe na sa Disyembre 2021

MAGSISIMULA ang unang biyahe ng mga tren ng North-South Commuter Railway o NSCR Project Phase 1 sa inisyal na ruta nito mula lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan hanggang lungsod ng Valenzuela sa Disyembre 2021.
 
Ipinahayag ito ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa magkasunod na inspeksiyon sa kasalukuyang konstruksiyon ng Meycauayan Station at sa depot o magiging garahe ng mga tren na matatagpuan sa hangganan ng Brgy. Bangkal, lungsod ng Meycauayan at Malanday, lungsod ng Valenzuela.
 
Ipinaliwanag ni Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan, dahil nasa Valenzuela ang depot, magmumula rito ang mga tren patungong Malolos at pabalik.
 
Ibig sabihin, magiging inisyal na biyahe ng tren ang paghinto sa mga estasyon ng Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, at sa Malolos.
 
Sisimulan ang paglalatag ng mga riles ng NSCR na at-grade o iyong nakababa sa lupa.
 
Tatakbo ito sa ilalim ng bagong tayong NLEX-North Harbor Link elevated expressway sa bahagi ng Valenzuela hanggang lungsod ng Caloocan at magiging elevated mula sa isang bahagi ng Caloocan hanggang sa Tutuban, sa lungsod ng Maynila.
 
Samantala, target sa taon 2022 na makatakbo ang mga tren ng NSCR Phase 1 sa kabuuang 38-kilometrong ruta mula sa Malolos hanggang sa Tutuban.
 
Sa kasalukuyan, naitayo ang mga poste sa daraanan ng NSCR Phase 1 sa lungsod ng Meycauayan habang ikakalso ang fabricated girders sa magiging Meycauayan station.
 
Naibaon na rin ang pundasyon ng magiging poste ng Marilao station at inihahanda na ang pagtawid ng elevated railway track sa Marilao-Meycauayan-Obando River System.
 
Sunod-sunod nang naitayo ang mga poste sa Bocaue, Balagtas at Guiguinto samantala nagkakahugis ang magiging Balagtas station at ang Malolos station.
 
Bilang paghahanda sa partial operability sa Disyembre 2021, idinagdag ni Tugade na nakatakda sa Setyembre 2021 ang installation ng Train Simulator bilang bahagi ng training ng magiging mga operator ng tren na magiging bahagi ng itinatayong Philippine Railways Institute. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

ArenaPlus PBA TNT 1

ArenaPlus Celebrates with the PBA Season 49 Commissioner’s Cup Champions

Photo courtesy of PBA: Katropas poses together with their fans during their victory party ArenaPlus, …

ArenaPlus Thompson Abarientos Brownlee 6

ArenaPlus announces Thompson, Abarientos, and Brownlee as brand endorsers

MANILA, PHILIPPINES – ArenaPlus, the 24/7 sports entertainment gateway in the Philippines, proudly welcomed its …

BingoPlus Asia Gaming Awards 2025 Feat

BingoPlus Grabs Best Reliability in Online Gaming at the Asia Gaming Awards 2025

Mr. Jasper Vicencio delivers his speech during the ASEAN Gaming Summit BingoPlus, the country’s most …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *