Kristeta, sinukuan ng facilitator ng workshop
DOING radio rounds ngayon ang theatre director-actor na si Frannie Zamora. Sa mga hindi nakaaalam, minsan isang panahon ay nakarelasyon ni direk Frannie ang yumaong si Tet Antiquiera (still remember her?).
Anyway, may kinalaman ang pag-iikot ni Frannie sa ika-40 anibersaryo ng Bulwagang Gantimpala na naging produkto. Ilan din sa mga naging bahagi ng theatre group na ito ay sina Ricky Davao, Andrew de Real, Wally Bayola, Ai Ai de las Alas (who worked as their secretary), among others.
Sa kanyang guesting sa Cristy Ferminute noong Martes, off air ay ibinahagi ni Frannie na naging acting workshopper din pala nila noon si Kris Aquino. โKaso, sumuko sa kanya โyung nagpa-facilitate ng workshop,โ rebelasyon niya.
Kung ganoon ay hindi pala nakompleto ni Kris ang buong workshop? No wonder, hindi siya seryoso sa kanyang pagganap, kulang sa lalim.
Samantala, sa hanay ng mga young actresses ay gustong maidirehe ni Frannie si Nadine Lustre na para sa kanyaโy may depth kung umarte.
โYun nga lang, desmayado siya sa umiiral na sistema when it comes to the taping schedule. โAng kalakaran kasi ngayon sa TV, eh, tape nang tape. Pinipili roon sa taped scenes โyung sa tingin ng production, eh, magre-rate sa viewers. Itโs all money. At saka imagine โyung tagal ng taping hours. Seven in the morning kunwari ang call time mo, ipa-pack up ka ng 7:00 p.m. the next day, so ikaw, bilang artista, drained na drained ka na. Hirap ka na ring magmemorya ng lines mo. At kaming mga director, kulang din sa pahinga.โ
Naniniwala si Frannie na iba pa rin ang disiplina kung ang isang artistaโy may stage background. โAng nakalulungkot lang, sa entablado, walang kita. Passion mo na lang ang dahilan kung bakit sa kabila nito, you still choose to do theatre,โ aniya.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III
