Saturday , December 10 2022

Max kinompirma, si Jake ang ama ng anak ni Andi

FINALLY si Jake Ejercito ang tunay na ama ni Ellie, anak ni Andi Eigenmann at hindi si Albie Casino tulad ng paulit-ulit na sinasabi ng aktres noon hanggang sa hindi na ito napag-uusapan ngayon.

Ilang beses ipinagdiinan noon ni Andi na si Albie ang ama ng anak, pero mariin naman itong itinantanggi ng aktor at wala raw siyang nararamdamang lukso ng dugo.

Hanggang sa nakatsikahan namin ang non-showbiz friends ni Jake at kaswal na sinabing ang anak nina Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada at dating aktres na si Laarni Enriquez ang tunay na ama ni Ellie.

Dalawang taon na ang nakararaan noong isinulat namin ang isyung ito, pero hindi ito pinansin nina Andi at Jake at bagkus ay kung ano-anong isyu nilang dalawa ang pinagpo-post para ma-divert doon ang attention ng media.

Sa tuwing makakausap naman namin ang kuya Gabby Eigenmann ni Andi tungkol sa tunay na ama ni Ellie ay hindi rin niya sinasagot, sabi lang ng aktor, “it doesn’t matter who the real dad is, ang importante, lumalaking maayos ang pamangkin ko at masayahing bata.”

Pero sa panayam ng half-sister ni Andi na si Max Eigenmann kay Mo Twister sa Good Times with Mo podcast noong Huwebes, Setyembre 23 ay nabanggit nito na si Jake ang tunay na ama ng pamangkin niya.

Natanong kasi ni Mo si Max kung kumusta na ang relasyon ngayon nina Jake at Andi pagkatapos nilang magtalakan sa social media.

Nagulat si Mo sa sagot ni Max.

“It doesn’t bother me, whatever. They’re always like that. You know he (Jake) is the father of my niece, right?”

Hirit ni Mo na hindi naman si Jake ang biological dad ni Ellie.

Pero kinompirma na ito ni Max na si Jake nga, “No, he is. They did a test. Yeah, he’s the dad.”

Nabanggit pa na kaya madalas hinihiram at dinadalaw ni Jake si Ellie para iparamdam na hindi siya nagkukulang bilang ama ng anak.

“That’s why he always posts photos of my niece,” sabi pa ni Max.

Sabay post din ni Mo ng live streaming podcast ng huntahan nila ni Max sa Youtube.

Parang itinadhana ang papel ni Andi sa seryeng The Greatest Love dahil anak siyang naghahanap sa kalinga ng ama kaya may isyu sila ng nanay Gloria niyang si Sylvia Sanchez.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

vhong navarro tanya bautista

Tanya masayang-masaya sa pansamantalang paglaya ni Vhong

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para kay Vhong Navarro para sa pansamantala nitong kalayaan. Nitong …

Alfred Vargas

Alfred Vargas, passion ang showbiz at paglilingkod sa bayan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKATATLONG termino bilang congressman ng District 5 ng Quezon City …

Blind Item, Male Celebrity

Newcomer nalungkot, P3,500 lang ang pay sa pagbubuyangyang

ni Ed de Leon FRUSTRATED ang isang new comer, kung ano-ano raw ang ipinagawa sa kanya sa …

Vilma Santos Roderick Paulate

Sitcom nina Ate Vi at Kuya Dick naunsyami; Commercial, pelikula nakapila na

HATAWANni Ed de Leon APEKTADO na naman ang schedule ng dapat sana ay haharaping trabaho …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo tinawag na cheap, na beastmode

MATABILni John Fontanilla HINDI nakapagtimpi at pinatulan na ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang netizen na inilarawan …

Leave a Reply