Wednesday , April 17 2024

Jen, malayo pa sa isipan ang pagpapakasal

ILANG beses namin kinulit si Jennylyn Mercado kung sino ang leading man niya sa My Love from the Stars ay nanatiling tikom ang bibig niya at hintayin na lang ang announcement ng GMA 7.

Ang paglalarawan ng singer/actress sa posibleng maging leading man niya ay, ”basta moreno po siya, ayoko nang magsalita, basta tingnan na lang n’yo, kasi baka ilaLAbas na rin siya soon.”

Una naming nakausap si Jennylyn bago nakausap ang aming source kaya huli na nang i-check namin ang social media account ni Gil Cuerva at hindi naman siya moreno kundi mestizo at may dugong Espanol.

Wala palang pelikula ngayong Metro Manila Film Festival si Jennylyn dahil hindi raw nagtugma ang schedules niya. Sabi namin na sayang naman dahil baka muling masungkit niya ang best actress award sa ikatlong pagkakataon.

Matatandaang magkasunod na taong nanalo si Jen ng best actress para sa mga pelikulang English Only (2014) at Walang Forever (2015) na parehong produced ng Quantum Films at parehong idinirehe ni Dan Villegas.

Sabi pa namin kay Jen na, ‘give chance sa iba na maging best actress.’

Natawa ang aktres, ”hindi naman po, pahinga lang, hala, confident si ate (kami) na (maging best actress ako).”

Wala bang offer kay Jen para sa MMFF?

“Mayroon naman, kaya lang po nagkaroon ng problema sa schedule dapat kasi sisimulan na namin ‘yung soap sa GMA, eh, kaya lang po, na-delay kaya noong time na ‘yun, hindi namin tinanggap ‘yung movie kasi kung magso-soap ako tapos may movie pa, gusto ko naman sanang mag-focus sa soap kasi baka haggard-haggardan na naman ako,” pahayag ng aktres.

Tinanong din namin ang tungkol sa love life niya si Jennylyn at ngumiti lang na tila ayaw magkuwento pero hirit namin ay nasa social media ang litratong magkasama sila sa isang beach na parehong naka-scuba diving suit.

Ang paliwanag kaagad ni Jen, ”ay parati ko pong ginagawa ‘yun, clean-up at first time niyang (Dennis) sumama, ‘di ba po, ano ako sa DENR, kasi nililinis namin ang mga dagat, nagpupulot ng mga basura sa ilalim ng tubig. Kahit sina Gerald Anderson nandoon din sila, Philippine Coast Guard, nandoon din,” kuwento ng aktres.

Natanong din kung may pelikulang offer sa kanila ni Dennis Trillo ay tatanggapin ba niya? ”Oo naman po, for sure hindi ako mahihirapan pagdating sa aktingan, hindi rin ako maiilang na kasi nakagawa na kami ng soap,” kaswal na sagot ng aktres.

Eh, si Luis Manzano sa Star Cinema? ”Hindi ko pa po alam, pero professional naman po ako, kaya ko naman ‘yun.”

Hirit namin kung Luis, Patrick Garcia, at Dennis? ”Ay Diyosko po”natawang sabi ni Jennylyn.

Or with Luis and Patrick? ”Hindi ko na alam,” nalolokang sagot sa amin.

‘Pag Patrick lang? ”Ayoko na (sumagot),”namimilipit ng sabi ni Jen na parang sinasabing tigilan na namin siya.

At finally, inaming hindi pa sila speaking terms ni Patrick, ”okay lang, hindi kasi (ganoon).

Eh, si Luis? “Hindi naman po, kasi never naman kaming (nagkausap). After kasi ng break-up tapos na,” pagtatapat ng aktres. Kaya walang pipiliin si Jen kina Luis at Patrick na makasama sa project dahil hindi sila okay totally.

Sabi ni Jennylyn na malayo pa sa isipan niya ang pagpapakasal sa edad na 29 dahil gusto pa niyang mag-ipon at paghandaan ang kinabukusan.

“Siguro po mga six years pa (35 years old na),” kaswal na sabi ng aktres.

Kung anim na taon pa ang hihintayin ni Jen bago siya mag-asawa ay nasa 43 years old na si Dennis niyon at baby face pa rin ang aktor kaya keri lang. At ang natutuhan daw ng aktres sa buhay ay, ”kasal muna bago anak.”

Hirit ulit namin,  ‘kung 35 years old ka pa mag-aasawa, baka mahirapan ka na.’ ”Hindi naman, kaya pa ‘yan,”  kaswal namang sagot ng aktres.

Tungkol naman sa ika-anim niyang album na Ultimate ay nabanggit ni Jennylyn na kasama siya mismo sa pumili ng mga awitin dahil gusto niya na personal choice at nag-base rin siya sa melody bago lyrics.

Katwiran ng singer, ”kasi ‘di ba ‘pag narinig mong maganda ang melody, ang sarap sa tenga kaya pakikingan mo talaga ‘yung kanta hanggang matapos? Ako kasi ganoon.”

Maging sa cover album ng Ultimate ay si Jennylyn din ang pumili na parang painting ang dating. ”Kasi parang paulit-ulit na lang ‘yung cover na black and white o kaya ‘yung usual na pose, gusto ko iba naman kaya pinapili nila (Ivory) kung anong gusto ko at pinahanap ako ng peg, so itong watercolor ang nagustuhan ko na painting ang dating at maraming kulay,”kuwento ng Ultimate Star ng GMA 7.

Natutuwang ikinuwento rin ni Jen na mukhang mana sa kanya si Alex Jazz dahil kapag kumanta raw ay nasa tono kaya ie-encourage raw niya ang anak sa hilig nito na baka maging singer pagdating ng araw.

“At least ‘di ba, may masasabing nakuha sa akin, lahat na lang ba ano (mana kay Patrick Garcia),” natawang sabi ni Jen.

Taray ng Ultimate album ni Jen dahil wala pang 24 oras na release sa online ay number one na ito agad sa iTunes at available na rin  sa Spotify, Deezer, Spinnr, at Amazon.

Ang nilalaman ng Ultimate album ni Jennylyn na ipinrodyus ni Jonathan Ong ay Nakaw Tingin, Suddenly (ka-dueto si Christian Bautista),Huling Paalam, Hagdan, Lampara, Magkaibang Mundo, Bulalakaw(kasama ang Silent Sanctuary), at may pahabol na Christmas song na may titulong Nakaraang Pasko na originally sung by Kuh Ledesma at may version din si Carol Banawa na isinulat ni Tats Faustino.

ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *