Saturday , May 18 2024

Rommel Placente

John Lloyd at Bea, na-miss ang isa’t isa

TRENDING sa Twitterverse ang pag-uusap ng magka-loveteam na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa Instagram Live noong Martes, April 27. Tawa nang tawa si Bea nang makita si Lloydie sa video. Tanong tuloy sa kanya ng aktor kung bakit siya natatawa? Sagot ni Bea, hindi niya kasi alam na marunong ng IG Live si Lloydie. At baka nga mas magaling pa ito sa kanya. Sabi naman …

Read More »

Angel, 135 ospital ang natulungan, 246 tents ang naipatayo

NAGPA-SWAB test pala ang magkasintahang sina Angel Locsin at Neil Arce. At negative ang lumabas na resulta. Ibig sabihin, ligtas sila sa Covid-19.   Ang resulta ay ipinost ni Angel sa kanyang Instagram stories at Facebook page noong Sabado, April 25. Pero hindi niya sinabi kung kailan sila nagpa-swab test ni Neil.   Kaya siguro naisipan nina Angel at Neil na magpa-swab test ay dahil naisip nila …

Read More »

Seth at Andrea, 21 oras nagvi-video call

HINDI man nagkikita ngayon ang magka-loveteam na sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes dahil sa ipinaiiral na Enhanced Community Quarantine, may communication pa rin naman sila. Sa guesting nila sa Magandang Buhay kahapon, Lunes, sinabi nila na madalas silang nagtatawagan thru video call. At tumatagal ng 21 hours ang pag-uusap nila.   “Ang target po dapat ng pag-uusap namin ay hangang 24 hours. Kaya lang nag-hang …

Read More »

P1K, ipinamimigay ni Ogie Diaz

TUNGKOL pa rin kay Ogie, manood kayo ng Facebook Live niya gabi-gabi. May pa-contest siya na ang makasasagot ng tanong niya ay mananalo ng P1k.   Bago kayo matulog, manood na kayo. Baka kayo na ang susunod na suwertehing manalo, Ako ay nanalo na.O ‘di ba? MA at PA ni Rommel Placente

Read More »

Ogie, sinagot ang panlalait ni Jay Sonza—“Hiyang-hiya naman ako sa mukha mong mala-porselana ang kutis

HINDI pinalampas ni Ogie Diaz ang panlalait sa kanya ng dating newscaster na si Jay Sonza. Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post ay sinagot niya ito.   Tweet ni Jay, “asymptomatic-you know you have the virus and accepted it.  asymptopangit-nagiging kamukha mo na sina PAB Jover at Ogie D. pero di mo pa rin matanggap.”   Sinagot ito ni Ogie ng,  “Kung makakadagdag pogi points ke Jay …

Read More »

Dingdong, nagbigay ng madamdaming mensahe sa bunsong anak

SA pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-post si Dingdong Dantes ng birthday message para sa bunsong anak nila ni Marian Rivera na si Ziggy.   Nagdiwang si Ziggy ng 1st birthday noong April 16. Narito ang birthday message ni Dong para kay Ziggy, published as is.   “Dear Son,   “It is day 33 for us here on lockdown and day 365 for you on Earth.   …

Read More »

NSYA, maganda pero pangit ang ugali

blind item woman

TALAGANG maldita itong isang not so young actress (NSYA) Hangga’t maaari, ayaw niya na may nagpapa-picture sa kanya.   Ayon sa aming source, nang minsang lapitan siya ng apat na fan noong makita sa taping para magpakuha, ay bigla itong nag-dialogue na isa lang ang puwedeng magpakuha sa kanya.   At pasigaw niyang sinabi ‘yun ha.   Sa takot ng fans, isa …

Read More »

Aiko, sagana at ‘di nanlilimos ng pagmamahal

MULING napapanood sa ABS-CBN 2 ang mga lumang seryeng Got To Believe, The Legal Wife, 100 Days To Heaven, May Bukas Pa, On The Wings Of Love, at Wilflower. Stop taping muna kasi sila ng FPJ’s Ang Probinsiyano, Love Thy Woman, Pamilya Ko, Make It With You, at A Soldier’s Heart dahil sa Covid-19.   Sa Wildflower na pinagbidahan ni Maja Salvador, ay kasama rito si Aiko Melendez bilang si Emilia Ardiente. …

Read More »

Bong, sobrang nalungkot sa pagkamatay ng kanyang staff

SOBRANG malungkot ngayon si Sen. Bong Revilla dahil namatay na noong Linggo ang isa niyang staff sanhi ng corona virus. Hindi niya lang kasi ito basta staff, kundi isa ring malapit na kaibigan. Ang turing niya na rito ay parang isang kapamilya. Kaya naman talagang apektado siya sa biglang pagpanaw nito. Hindi malilimutan ng senador ang staff/kaibigan niya dahil nakasama niya ito …

Read More »

Matteo, hindi happy ang katatapos na birthday

SA live streaming ng ASAP noong Linggo, ikinuwento ni Sarah Geronimo-Guidicelli ang tungkol sa naganap na birthday ng mister na si Matteo. “Matt just celebrated his birthday noong March 26, 30 na rin siya. Medyo mixed emotions lang din. Sabi nga niya sa akin, ‘Love, parang hindi ko matawag na happy ang birthday ko,’ Kasi talagang nadudurog ang puso niya sa mga nababasa niya, …

Read More »

Sunshine, naipagluluto ng mga pagkaing request ang mga anak (habang naka-ECQ)

ISA si Sunshine Cruz sa co-star ni Cristopher de Leon sa seryeng Love Thy Woman ng ABS-CBN 2. At dahil nagpositibo ang aktor sa Covid-19, na ngayon ay magaling na at nakalabas na ng hospital, nagself-quarantine si Shine.   “We ara all okey naman. Self-quarantine lahat. Nag-a-assist ang ABS-CBN. We had a conference call pa with the ABS bosses and Dr. Susan Mercado. So far, so good,” sabi …

Read More »

American actor/singer songwriter, Jared Leto bagong inspirasyon ni Angelica?

MUKHANG in-love na ulit si Angelica Panganiban. May bago na ba siyang inspirasyon? May ipinost kasi siyang picture sa kanyang Instagram account nitong Monday, na nakatalikod siya at may kasamang isang lalaki na nakatalikod din habang nakatanaw sa ibaba ng isang gusali. Ito ay ang Burj Khalifa, ang tallest structure sa mundo sa taas na mahigit 2,700 feet. Ang caption ng ex ni Carlo …

Read More »

Yorme Isko, hanga sa talino ni Mayor Vico

HANGA si Yorme Isko Moreno sa kapwa niya mayor na si Vico Sotto. Ito ay dahil sa magandang serbisyo-publiko na ipinakikita ng binata ni Vic Sotto sa kanyang constituents sa Pasig City lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa matinding problema ng Covid-19. Sabi ni Yorme Isko tungkol kay Vico, “Matalinong bata ‘yun, magaling.” Ayon pa kay Yorme, sana ay mahawaan siya ng talino ni Mayor …

Read More »

Kathryn, madalas hamunin ng hiwalayan si Daniel

GAANO katotoong maraming beses nang muntik maghiwalay sina  Kathryn Bernado at Daniel Padilla? Ito’y ayon sa isang mapagkakatiwalaang source. Aniya, kapag nag-aaway ang dalawa, laging naghahamon ng hiwalayan si Kathryn. Ang ginagawa naman ni Daniel, after ng awayan nila, bumibili ng flowers para ibigay sa kasintahan at inaamo/sinusuyo ito. At presto, nagkakabati na uli ang dalawa. Kaya napipigilan ang pagkakanya-kanya ng landas ng …

Read More »

Mayor Vico, aminadong ginagaya ang magagandang practice ng ibang LGUs

DAHIL sa ipinakitang magandang serbisyo-publiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang mga constituents lalo na ngayong nakararanas tayo ng Covid-19, ikinukompara siya sa ibang mayors. Pero ayon sa anak ni Vic Sotto,  huwag na sanang ikompara sa isa’t isa ‘yung mga LGU. “Kung constructive, okey lang naman, kasi alam ninyo, rito kami sa Pasig, kapag may nakikita po kaming magagandang practice sa …

Read More »

Pantawid Ng Pag-ibig ng ABS-CBN, nakalikom ng P256.6-M

BONGGA ang fund raising concert ng ABS CBN 2 na tinawag nilang Pantawid Ng Pag-ibig, na ginanap noong Linggo ng gabi. Napanood ito sa nasabing estasyon. Ito ang concert na ang performers ay puro talent ng Kapamilya Network. Sa kani-kanilang bahay lang sila kumanta. Napanood sila thru Zoom application. Ang ilan sa mga kumanta ay sina Lea Salonga, Xian Lim, Apl de Ap, Inigo Pascual, Carlo Aquino, …

Read More »

Sanya, laging kinakabahan kay Nora

KASAMA si Sanya Lopez sa pelikulang Isa Pang Bahaghari, na pinagbibidahan ni Nora Aunor. Gumaganap siya rito bilang isang GRO (Guest Relation Officer). Paano ba pinag-aralan ni Sanya ang kanyang role? “Hindi ko naman alam kung paano talaga mapag-aaralan ang pagiging pokpok. Pero ang ginawa ko na lang po,kung ano ‘yung nararamamdan ko, ano ba ‘yung bilang isang pokpok? Hindi naman dahil pokpok ka, kailangang …

Read More »

Angelika, walang shutdown sa pagtulong sa mga kabarangay

TULOY-TULOY pa rin ang serbisyo ni Angelika dela Cruz bilang Barangay Chairwoman sa Longos, Malabon, sa kabila ng dinaranas na COVID-19 sa bansa. At sa mga ganitong sitwasyon, hindi naman sila puwedeng basta mag-shutdown ng serbisyo sa barangay. Sabi nga niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono, ”O.A.” na pag-iingat na lang ang ginagawa nilang lahat. “Siyempre, the usual, ‘yung temperature check. Kailangan ‘yung mga …

Read More »

Sylvia, limang pelikula pa ang gagawin

MABUTI na lang at tapos na si Sylvia Sanchez ng shooting ng Coming Home, na pinagtatambalan nila ni dating senador Jinggoy Estrada. At least, may time na siya para sa mister niyang si Art Atayde. Nawalan kasi siya ng time kay Papa Art nong kasagsagan ng paggawa niya ng nasabing pelikula, and at the same time ay taping niya para …

Read More »

Awra, ayaw pabayaan ang pag-aaral

KAKALABANIN ni Awra Briguela ang itinuturing niyang nanay-nanayan sa showbiz, si Vice Ganda. Magkakaroon din kasi siya ng noontime variety show sa IBC 13, ang Yes, Yes Yow! Makakatapat nito ang It’s Showtime, na isa sa host ang Unkabogable Star. Mapapanood ito tuwing Sabado, 11:30 a.m. to 1:00 p.m., na magsisimula na sa Abril 4. Sa tanong kay Awra kung nagsabi o nagpaalam …

Read More »

Kyline, sobrang kinabahan kay Nora

ISA si Kyline Alcantara sa cast ng bagong afternoon drama series ng GMA 7, ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit, TV adaptation ng pelikula ni Nora Aunor noong 1989. Gumaganap siya rito bilang anak ni Mylene Dizon. “Ako po rito si Maggie dela Cruz. Isa po akong brat dito,” sabi ni Kyline ukol sa kanyang role. Kasama rin sa serye …

Read More »

Alden Richards, tanggapin kayang kapareha ni Bea?

Alden Richards Bea Alonzo

PAGKATAPOS gumawa ng isang commercial sina Alden Richards at Bea Alonzo, na kinunan pa sa Thailand, may gagawin naman silang movie together. Bagong kombinasyon at panibagong eksperimento na naman ng Star Cinema. Tangkilikin din kaya ito ng publiko gaya ng ginawang pagtangkilik sa Hello, Love, Goodbye na itinambal ang actor kay Kathryn? In fairness sa ka-loveteam ni Maine Mendoza, may …

Read More »

Arjo, sobrang natuwa sa sorpresa ni Maine

SOBRANG masaya si Arjo Atayde na nakilala niya nang personal ang idol niyang Filipino-American stand-up comedian na si Jo-Koy. Noong Sabado, February 1, ipinost ng award-winning actor sa kanyang Instagram account ang litrato nila nina Maine Mendoza at si Jo- Koy. Sa kanyang post, sinabi niya  na matagal na siyang fan ni Jo Koy at si Maine ang naging dahilan para makilala ito. Sulat ni Arjo sa …

Read More »

Kim, nangakong laging may pasabog sa bagong teleserye

BALIK-TELESERYE ang tambalan nina Kim Chiu at Xian Lim after three years via Love Thy Woman ng Dreamscape Entertainment, na tumatalakay sa isang modern Chinese family. Noong isang taon pa ito sinimulang gawin, and finally, ipalalabas na sa February 10. Ito ang papalit sa timeslot na iiwan ng Kadenang Ginto. Dahil may lahing Chinese si Kim, naka-relate siya sa kanyang character bilang si Jia, na pangalawang pamilya ng kanyang amang si Adam …

Read More »

Sino kina Nadine at James ang malalaos?

NOONG kasikatan ng loveteam nina Maricel Soriano-William Martinez at Sharon Cuneta-Gabby Concepcion ay bumaba ang popularity nina  Wiiliam at Gabby nang mahiwalay sila kina Maricel at Sharon bilang kani-kanilang ka-loveteam at karelasyon. That time ay nagningning pa rin ang career ng Diamond Star at ng Megastar.  Ang mga babae ang nanatiling sikat. Sa kaso nina James Reid at Nadine Lustre, sa kanilang hiwalayan, ganoon din kaya ang …

Read More »