Saturday , July 27 2024
Marco Gumabao Cristine Reyes

Marco umamin sa tunay na relasyon nila ni Cristine

MA at PA
ni Rommel Placente

SPOTTED lagi sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na magkasama at sweet na sweet. Kaya naman hindi maiiwasang mag-isip ang nakakakita sa kanila, na may namumuo na silang relasyon.

Kahit si Ogie Diaz ay nag-iisip, na may something na nga kina Cristine at Marco. Kaya tinex niya si Marco para tanungin kung sila na ba ni Cristine.

Ang reply sa kanya ni Marco, ay si Cristine na lang daw ang tanungin.

So, base sa naging reply ni Marco kay Ogie, mukhang sila na nga ni Cristine at ayaw lang ng aktor na sa kanya manggaling ang confirmation.

Kung hindi pa kasi sila, dapat ang naging sagot ni Marco kay Ogie ay hindi sila ni Cristine, ‘di ba? 

Si Cristine kaya, kapag siya naman ang tinext ni Ogie para tanungin kung sila na ni Marco, ano kaya ang magiging sagot nito? Aamin kaya siya?

Pero kung sina Cristine at Marco na naman, walang magiging problema. Pareho na naman kasi silang single. Si Cristine ay hiwalay na sa dating karelasyon na si Ali Khatibi, na nagkaroon sila ng isang anak na babae, si Amarah.

About Rommel Placente

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …