Wednesday , May 29 2024
Gerald Anderson Julia Barretto Korina Sanchez 

Gerald tiniyak kay Korina: Julia pakakasalan

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Gerald Anderson sa programa ni Korina Sanchez na Korina Interviews na umere sa Net25noong Linggo, sunod-sunod ang tanong sa kanya ng asawa ng dating senador na si Mar Roxas tungkol  sa kasal nila ng girlfriend na si Julia Barretto.

Tanong ni Korina: “Kailan ka ikakasal? Ikakasal ka na ba? Ninerbiyos ka? Nanlalamig ka yata?”

Nakangiting sagot ni Gerald, “‘Di naman, ‘di naman po.

“You know, everything na ginagawa ko ngayon is because alam ko naman na malapit na ‘yun, eh.

“Hindi naman ako, kumbaga, ‘yung 25-year-old na, ‘di trabaho muna ako, career muna ako.’

“You know, honestly, generally, lahat ng ginagawa ko sa career ko, sa show business, sa pagiging businessman, is leading up to that point.”

Sundot na tanong ni Korina, “So, it’s gonna be Julia you think? ‘Di mo masabi?”

Paniniguro ni Gerald: “No, siya talaga.”

Well, wish lang namin na sina Gerald at Julia na nga sana ang magkatuluyan at diretso na sa simbahan ang kanilang pagmamahalan.

About Rommel Placente

Check Also

Angel Guardian Running Man PH

Angel ‘di na habol manalo, mas gustong mag-enjoy bilang runner

RATED Rni Rommel Gonzales ULTIMATE Runner sa Season 1 ng Running Man Philippines si Angel Guardian kaya natanong ito …

Aica Veloso Kulong

Aica nais kumawala karanasan sa isang kapitbahay

RATED Rni Rommel Gonzales NAGBAHAGI ng kanyang mapait na karanasan ang Vivamax female star na si Aica Veloso nang …

Paolo Ballesteros Kira

Paolo hinangaan pag-e-escort sa prom ng anak

MATABILni John Fontanilla SINALUDUHAN at pinuri ng netizens ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros nang mag-escort ito …

Kathryn Bernardo FAMAS

Kathryn nasungkit 1st FAMAS Best Actress award

MA at PAni Rommel Placente SI Kathryn Bernardo naman ang wagi bilang Best Actress para sa mahusay …

LA Santos FAMAS

LA Santos Best Supporting Actor ng 72nd FAMAS award

MA at PAni Rommel Placente SI LA Santos ang is tinanghal na Best Supporting Actor sa katatapos …